Libreng mga Seminar ng XM sa Morocco ngayong February

Ipinaskil Enero 5, 2017 ng 2:09 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga kliyente ang dalawang nalalapit na forex seminar na iho-host ng XM sa Morocco sa nalalapit na ilang linggo.

Ang Senior Market Strategist na si Habib Akiki, na sasamahan ng mga kinatawan ng XM, ay nais nang salubungin lahat ng mga gustong magkaroon ng importanteng kaalaman tungkol sa mga teknik sa swing trading sa dalawang magkaibang lokasyon sa Morocco ngayong February.

Ang seminar na pinamagatang Avramis Swing Trading ay gaganapin sa Hilton Garden Inn, Tangier, sa ika-22 ng February at sa Mövenpick Hotel, Casablanca, sa ika-25 ng February.

Ipapakita ng propesyonal na instruktor na si Habib Akiki ang serye ng mga teknik sa swing trading sa mga dadalo sa event sa pamamagitan ng pagbibigyang-diin sa kung paano bigyang kahulugan ang market trending at kung paano gamitin ang ilang trading tools nang mas tama.

Ang mga mahahalagang konsepto sa forex trading, kabilang na ang Fibonacci, support-resistance levels at price patterns, ay bibigyan din ng atensyon. Higit pa, ang mga dadalo ay magiging pamilyar din sa iba’t-ibang Tradepedia proprietary tools na makakatulong sa pagtukoy ng mga trend at pag-iwas sa risk.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa seminar sa Tangier at Casablanca, at para mag-rehistro na, mag-click dito.