Matagumpay na Libreng Forex Seminar sa Kedah

Ipinaskil Agosto 27, 2018 ng 10:03 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong August 18, ipinagpatuloy ng propesyonal na tagapagsalita na si Zulle Razak kasabay ng mga kinatawan ng XM ang serye ng mga seminar nito sa Malaysia, ngayon naman sa siyudad ng Kedah.

Natutuwa kaming makipag-ugnayang muli sa marami sa aming mga kliyente na pumunta sa libreng seminar na bukas sa lahat ng mga interesadong matuto ng bagong impormasyon tungkol sa mga istratehiya sa pag-trade.

Si Zulle Razak, na kilala sa Malaysia dahil sa estilo niya ng pag-presenta at mga madaling intindihin na gabay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa investment, ay nagbigay na naman ng isang makabuluhang presentasyon sa mga bisita. Ang mga detalyeng ipinaliwanag niya ay may layuning mabigyan ang traders ng malinaw na gabay sa kung paano tumatakbo ang global markets, kung saan maaaring mag-trade ng financial instruments at higit sa lahat anu-anong mga istratehiya ang maaaring gamitin sa pamamagitan ng pagsama-sama ng magkakaibang pamamaraan sa technical analysis.

Layunin ng seminar na bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sistematikong kasanayan sa online trading, pati na ang kaalaman na ang pag-trade ay isang proseso na kailangang pag-aralan. Ito din ay may kaugnayan sa dalawang kasanayang propesyonal, ayan ay, dapat palagi itong makabago at patuloy na sinasanay.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa seminar, at inaasahan namin na makakatulong sa pangmatagalan ang mga impormasyong natutunan nila sa seminar. Kaya naman, nais naming imbitahan lahat ng mga hindi nakapunta sa Kedah na mag-rehistro sa aming nalalapit na seminar sa Kota Bharu sa September 29.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa seminar sa Kota Bharu, mangyaring mag-click dito.