Libreng Seminar sa Hungary tungkol sa Intraday Trading

Ipinaskil Pebrero 23, 2018 ng 8:01 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Para sa mga retail traders na nais pabutihin ang kanilang pag-invest gamit ang praktikal na kaalaman, may libreng seminar na isasagawa sa kapital ng Hungary ngayong tagsibol, kung saan magbibigay ang propesyonal na XM instruktor na si Attila Szoboszlai ng presentasyon tungkol sa mga teknik sa intraday trading.

Gaganapin sa April 14, ang pang-edukasyonal na event na pinamagatang Ang Dow Theory sa Intraday Trading ay makakapagbigay sa mga dadalo ng karunungan tungkol sa pagkakaroon ng mga istratehiya sa pag-trade gamit ang mga technical analysis tools, nang may espesyal na pagsasaalang-alang sa Dow Theory.

Para sa mga online investors na nais makamit ang ekspertong lebel sa pag-trade, mahalagang maging pamilyar sa mga kaugnayan sa paggalaw ng market. Dahil dito, ipapaliwanag ni Attila Szoboszlai ang ilang mga pangunahing prinsipyo, gaya ng kung paano sumasalamin ang presyo sa market sa demand-supply; ang pagkakaiba ng mga primary, secondary at minor na market trends; at kung paano tumatakbo ang trend reversals. Ang konsepto ng price action ay bibigyan din ng tuon dahil nakakatulong ito para malaman ng mga traders ang galaw ng market at gumawa ng mga desisyon base sa aktual na paggalaw ng presyo sa charts kaysa sa umasa lamang sa mga indicators.

Hindi lamang ipapakilala ni Attila Szoboszlai ang mga bagong teknik sa technical analysis, ngunit gagabayan din niya ang mga dadalo sa mga pangunahing kailangan para ipagpatuloy ang online trading sa pangmatagalan, kabilang ang mga nauugnay na aspeto gaya ng trading psychology at kamalayan sa sarili, pagkakaroon ng makatotohanang layunin sa pag-invest, at paglapat ng risk management.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa seminar at lokasyon ng event, at para mag-book na ng puwesto, mag-click dito.