Libreng Forex Seminar Isinagawa sa Pilipinas

Ipinaskil Agosto 30, 2018 ng 12:06 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong August 25, nagsagawa ang XM ng panibagong libreng forex trading seminar para sa mga online investors sa Manila, sa Pilipinas, tungkol sa paggamit ng technical analysis.

Ang siyudad ng Manila ay naging lokasyon sa magkakaibang mga seminar na inorganisa ng XM, na idinisenyo para sa mga nangangailangan ng mataas na lebel ng edukasyon at makabuluhang gabay na makakatulong sa kanilang pag-trade online.

Sinalubong ng mga kinatawan ng aming kumpanya at ng kilalang tagapagturo na si Jonathan Lou Reyes ang mga bisita sa Dusit Thani Manila Hotel, kung saan tinalakay niya ang paksang Ang Avramis River Indicator at Reversal Candles sa malaking bilang ng traders na pumunta.

Ang mga baguhan at batikang online investors na pumunta sa seminar ay nakatanggap ng mga praktikal na gabay tungkol sa paggamit ng technical analysis tools, kabilang na ang Avramis River Indicator, na ipinakita din ni Jonathan Lou Reyes sa pamamagitan ng mga halimbawa na madaling maintindihan.

Lubos naming pinasasalamatan ang lahat ng mga pumunta sa XM seminar sa Manila, at nasasabik na kaming bumalik sa Pilipinas para sa iba pang mga seminar na makakatulong sa traders na pabutihin ang kanilang pag-trade sa tulong ng propesyonal na edukasyon.

Kaya naman, iniimbitahan namin ang mga traders na gusto pang ipagpatuloy ang kanilang libreng edukasyon katuwang ng XM na pumunta sa aming mga nalalapit na seminar sa magkakaibang lokasyon sa Pilipinas, kung saan maaari silang mag-rehistro dito.