XM Seminar sa Terengganu Tungkol sa mga Istratehiya sa Pag-trade

Ipinaskil Hulyo 23, 2018 ng 8:36 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Isa ang Malaysia sa lokasyon ng magkakaibang forex trading seminar ng XM nitong mga nakaraang taon, kung saan ang pinakabago sa mga ito ay isinagawa sa siyudad ng Terengganu noong July 21.

Ang seminar na pinamagatang Mga Istratehiya sa Investment sa Online Trading ay naghikayat sa napakaraming bilang ng mga bisita na pumunta sa seminar para sa layuning palawigin ang kanilang kaalaman sa pag-trade gamit ang gabay ng propesyonal na tagapagsalita na si Zulle Razak.

Sinalubong ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga dumalo sa TH Hotel & Convention Centre Terengganu, kung saan nagbigay si Zulle Razak ng makabuluhang presentasyon tungkol sa kasanayan sa pag-trade na maaaring pagkakitaan para sa magkakaibang financial instruments.

Ang mga praktikal na halimbawa na ginamit ni Zulle Razak ay nagdagdag ng halaga sa mga detalyeng tinalakay sa kung paano mapagsasabay ang technical at fundamental analysis para tukuyin ang lakas ng trend at analisahin ang paggalaw ng presyo, pati na kung paano maaapektuhan ng risk management at trading psychology ang desisyon at kakalabasan ng mga trade.

Gaya ng dati, ikinatutuwa naming makilala sa personal ang marami sa mga online investors na dedikadong palalimin ang kanilang kaalaman sa pag-trade sa tulong ng iba’t-ibang online at on-site na mga edukasyonal na programa ng XM. Kaya naman, nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa aming seminar sa Terengganu.

Dahil magpapatuloy pa ang aming mga seminar sa Malaysia, nais naming imbitahan lahat ng mga traders sa nalalapit na seminar na gaganapin sa Kedah sa August 18. Para sa karagdagang impormasyon at para sa maagang rehistrasyon, mangyaring mag-click dito.