Magsisimula sa March: Serye ng XM Seminar sa Malaysia

Ipinaskil Enero 2, 2018 ng 1:46 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Tulad ng mga nakaraang taon, magpapatuloy ang XM sa pagsasagawa ng mga libreng seminar sa Timog-Silangang Asya para maabot ang mga traders sa tulong ng mga propesyonal na instruktor tungkol sa pag-trade ng forex at iba pang financial assets.

Bilang parte ng malawak na pang-edukasyonal na programa ng XM, simula March 2018 magkakaroon ng mga serye ng seminar sa Malaysia, tungkol sa seminar na pinamagatang Mga Istratehiya sa Pag-invest Online, na ipi-presenta ni Zulle Razak. Ang mga destinasyon sa Malayasia ay ang mga siyudad ng Sabah, Penang, Johor Bahru, Miri, at Melaka, kung saan nais nang salubungin ng mga kinatawan ng XM ang mga baguhan at batikang traders.

Ang nalalapit na mga seminar ay binago para tugunan ang mga pangangailangan sa pag-invest ng mga lokal na online traders sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga praktikal na payo tungkol sa mga istratehiya sa pag-invest. Si Zulle Razak, na kilala sa pagtutuon sa sistematiko at disiplinadong pag-trade, ay liliwanagin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng indibidwal na istratehiya base sa layunin ng traders, risk tolerance at asset allocation.

Para sa lahat ng dadalo sa aming seminar sa alinmang siyudad na bibisitahin ng XM sa Malaysia ngayong taglagas, ang mga pagpapaliwanag ni Zulle Razak ay maraming maitutulong sa kung paano pabutihin ang kaalaman sa online investment gamit ang tamang kaaalaman sa mga markets at kakayahan sa pag-trade.

Para sa detalyadong paglalarawan sa seminar, at para maagang makapag-rehistro sa lokasyon at petsa na iyong napili, mag-click dito.