Mga Forex Seminar ng XM Isinagawa sa Korat at Chonburi

Ipinaskil Agosto 27, 2018 ng 8:00 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong August, ang serye ng mga forex trading seminar ng XM na nagsimula sa Thailand nitong mga nakaraang buwan ay pumunta sa dalawa pang lokasyon, sa Korat noong August 4 at sa Chonburi noong August 18.

Ang tagapagsalita na si Sompop Jittrakul, na nagtalakay sa paksang pinamagatang Ang Avramis Trend Reversals at Breakouts, ang nagpaliwanag sa paggamit ng technical analysis tools na ginagamit sa forex trading. Sa bawat lokasyon, natutuwa kaming salubungin ang maraming online traders na pumunta sa aming seminar.

Maliban sa ilan sa mga pinaka-importanteng detalye na may kinalaman sa pagbabasa ng charts at paggamit ng indicators, ang mga pumunta sa seminar ay naging pamilyar din sa proprietary technical analysis tools ng Tradepedia, na inimbento para masukat ng online investors nang mas tama ang lakas ng trend at pamahalaan ang risk gamit ang Avramis Swing Indicator at Avramis Risk Management Indicator.

Gaya ng dati, ang teorya ay base sa kasanayan: lahat ng mga pumunta sa seminar ay natuto kung paano ginagamit ang technical analysis kapag nagti-trade ng forex o iba pang financial instruments sa MT5 platform ng XM.

Nais naming pasalamatan lahat ng sumali sa aming seminar sa Korat at Chonburi, at ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga kliyente na bukas na ang rehistrasyon para sa aming seminar na gaganapin sa Khon Kaen sa September 1 at sa Chiang Rai sa September 29.

Mangyaring mag-click dito para sa karagdagang detalye at mag-reserba na ng puwesto para sa mga nalalapit na seminar.