Nalalapit na Serye ng mga Forex Trading Seminar sa Spain

Ipinaskil Hulyo 28, 2017 ng 8:42 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang mga online investors na nagsasalita ng Spanish at nais dumalo sa mga libreng forex trading seminars na iho-host ng XM ay maaaring matuwa na magsisimula kami ng panibagong serye ng mga seminar sa Spain ngayong taglagas.

Inorganisa ng XM at ipepresenta ng prestihiyosong trading academy na Academia de Mercados, ang aming mga nalalapit na seminar ay naghihintay para sa mga kasalukuyan at bagong kliyente sa alinman sa mga sumusunod na lokasyon: Santiago de Compostela sa ika-23 ng September, na susundan ng Sevilla, Barcelona at Madrid sa huling parte ng taglagas.

Ang paksa ng seminar na Technical Analysis sa Online Forex Trading ay maraming maidudulot sa mga baguhan at batikang trader na nais matuto ng mga bagong impormasyon o pabutihin ang kanilang kasalukuyang kaalaman sa pamamagitan ng presentasyon na ipipresenta ng Academia de Mercados.

Sa unang parte ng serye ng aming seminar, sasalubungin sa Santiago de Compostela ang mga dadalo sa TRYP Santiago Hotel, kung saan may pagkakataon silang matuto nang husto sa kung paano tumatakbo ang technical analysis, partikular na ang pinagsama-samang paggamit ng mga technical indicators. Pagkatapos nito, ang mga instruktor ng Academia de Mercados ay magtuturo ng iba pang naaayong aspeto ng online trading, tulad ng trading psychology at risk management. Ang pinaka-ultimong pakay ng presentasyon ay ang pagtuon sa kahalagahan ng technical analysis, kabilang na ang paggamit ng mga technical indicators, at bigyan ang mga trader ng kaalaman at lakas ng loob na kailangan para gamitin ang mga trading tools na ito sa kanilang mga indibidwal na istratehiya para sa mas mainam na resulta sa pag-trade.

Ang seminar ay magtatapos sa XM Lucky Draw, kung saan ira-raffle namin ang mga pangalan ng mga maswerteng mananalo na maaaring manalo sa alinman sa mga premyong ipapamigay.

Lahat ng mga handa nang sumali sa amin sa Santiago de Compostela sa ika-23 ng September ay iniimbitahan nang magbasa pa tungkol sa karagdagang detalye ng seminar, kabilang na ang mga premyo sa Lucky Draw, at mag-rehistro na sa event sa pamamagitan ng pag-click dito.