Forex Trading Seminar Isinagawa sa Sabah at Penang

Ipinaskil Abril 3, 2018 ng 7:16 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong March 10 at 31, ang mga online investors sa Malaysia ay nagkaroon na naman ng oportunidad para matuto ng mahahalagang kaalaman at mapabuti ang kanilang mga istratehiya sa pag-trade gamit ang mga propesyonal na forex trading seminars na isinagawa ng XM sa buong Malaysia.

Noong March 10 sinalubong namin ang mga bisita sa Grandis Hotel sa Sabah, at noong March 31 sa Cititel Hotel sa Penang. Sa bawat siyudad, nag-presenta ang forex instruktor na si Zulle Razak ng seminar na pinamagatang Mga Istratehiya sa Pag-invest sa Online Trading, na nagtaglay ng napakaraming detalye tungkol sa tamang paggamit ng mga technical analysis tools at mga teknik na maaaring gamitin kasama nito para magkaroon ng epektibong istratehiya sa pag-trade.

Ang mga dumalo sa parehong Sabah at Penang ay nakatanggap ng praktikal na payo mula kay Zulle Razak sa kung paano pabutihin ang mga indibidwal na teknik sa pag-trade kapag nagi-invest sa forex o iba pang financial instruments. Para sa lahat ng mga dumalo, ipinakita ni Zulle Razak ang confluence techniques gamit ang mga praktikal na halimbawa, para mas madali itong maintindihan kapag nagti-trade na sa totoong buhay.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa aming event sa dalawang siyudad, at nasasabik na kaming makilala ang mga online traders na interesadong dumalo sa aming mga nalalapit na seminar sa Johor Bahru, Miri at Melaka.

Mag-click dito para magbasa pa tungkol sa paksa ng seminar at mag-rehistro na sa event na gaganapin sa siyudad at petsa na iyong napili.