Nakumpleto ng XM ang mga Seminar nito sa Davao at Cagayan de Oro

Ipinaskil Hunyo 4, 2018 ng 9:35 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Tulad ng mga nakaraang taon, patuloy na nagsasagawa ang XM ng mga libreng forex trading seminar sa iba’t-ibang siyudad sa Pilipinas.

Ang pinakabagong seminar ng XM ay isinagawa sa Davao noong May 26 at Cagayan de Oro noong June 2, kung saan nagbigay si Jonathan Lou Reyes ng presentasyong pinamagatang Ang mga Pangunahing Konsepto sa Forex Trading. Naghikayat ito ng napakaraming bilang ng online investors na kakasimula pa lang sa pag-trade ng forex katuwang ng XM.

Nakuha ni Jonathan Lou Reyes ang pansin ng mga dumalo sa pamamagitan ng pagbibigay ng systematikong kurikulum na may maliwanag na gabay tungkol sa mga pangunahing konsepto sa forex trading, kabilang ang mga halimbawa kung paano mag-trade sa MT5 platform. Nagbigay din siya ng malinaw na pagtatalakay sa kumpletong proseso ng pag-trade habang ginagamit ang technical at fundamental analysis, na siyang napakahalaga sa bawat trader.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente na dumalo sa alinmang siyudad, at nasasabik na kaming makabalik sa Pilipinas para sa iba pang libreng pang-edukasyonal na seminar.

Hanggang sa aming susunod na seminar sa Pilipinas, iniimbitahan namin lahat ng online investors na dumalo sa mga libreng webinar na pinamumunuan ni Jonathan Lou Reyes. Isinasagawa ito ilang beses kada linggo tungkol sa iba’t-ibang mga paksa.