Nagsagawa ng CFD Trading Seminar sa Chonburi at Korat

Ipinaskil Abril 25, 2018 ng 7:00 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagsimula ngayong March sa Thailand, ang serye ng mga seminar ng XM tungkol sa CFD trading ay nagpatuloy sa dalawa pang mga siyudad: sa Chonburi noong April 7 at Korat noong April 21.

Ang paksang pinamagatang Ang Moving Average Ribbon Technique ay pinangunahan ng kilalang instruktor na si Sompop Jittrakul, kung saan sinalubong namin ang malaking bilang ng mga online investors na interesadong matuto tungkol sa mga teknik na maaaring magamit kapag nagti-trade ng iba’t-ibang mga instrument sa anyo ng CFDs.

Ikinatutuwa naming makilala ang mga trader sa bawat seminar upang makapagbigay sa kanila ng praktikal na kaalaman na makakatulong pag dating sa pag-trade ng CFDs sa MT5 platform.

Para sa mga baguhan pa lang sa online trading, ang hindi tamang paggamit ng mga teknik sa technical analysis ay isang malaking sagabal, kaya naman ipinaliwanag ni Sompop Jittrakul ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na plano base sa layunin sa pag-invest, pag-aaral ng pinakamahuhusay na trading tools at pagsasama-sama sa mga ito sa iisang epektibong istratehiya sa pag-trade.

Para ipakita ang paggamit ng isa sa mga pinakamahahalagang teknik sa technical analysis, ipinaliwanag ni Sompop Jittrakul ang Moving Average Ribbon technique sa mga dumalo, na siyang mahusay sa pagtukoy ng maiklian, katamtaman, o mahabaang trends. Para sa mga traders, mahalagang tukuyin ang tamang oras kung kailan papasok o lalabas ng market, at makakatulong nang husto dito ang moving average ribbons dahil sa pagbibigay nito ng buy at sell signals.

Sa kanyang presentasyon, gumamit si Sompop Jittrakul ng mga tunay na halimbawa para ipakita kung paano magagamit nang tama ang Moving Average Ribbon technique kapag nagti-trade ng CFDs sa MT5 platform, at kung paano ito gamitin kasabay ng price action.

Para sa lahat ng mga interesadong matuto pa tungkol sa teknik na ito sa CFD trading, sa mga susunod na buwan magpapatuloy ang aming mga seminar sa Thailand sa marami pang lokasyon. Para makita ang mga siyudad at petsa kung saan ipi-presenta ni Sompop Jittrakul ang paksang ito, at para makapili na ng siyudad at makapag-reserba na ng puwesto, mag-click dito.