Nagsagawa sa Athens ng Seminar sa Pag-trade ng Forex at Stocks

Ipinaskil Oktubre 31, 2018 ng 9:39 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong October 20, nagsagawa na naman kami ng panibagong seminar sa Europa, ngayon naman sa kapital ng Greece, ang Athens, kung saan nag-organisa ang XM ng libreng seminar sa maraming online investors na nais pang matuto tungkol sa pag-trade ng forex at stocks.

Sinalubong ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga pumunta sa Hilton Athens Hotel, kung saan pinamunuan ng propesyonal na tagapagsalita na si Charalambos Spyridis ang isang makabuluhang seminar tungkol sa mga pinakamahuhusay na pamamaraan sa pag-trade ng forex at stocks.

Sa presentasyon, binigyang-pansin ang mga bentahe sa pag-trade nitong dalawang magkaibang uri ng asset at mga alternatibo sa pag-trade kapag nag-iinvest sa currencies o indibidwal na stocks. Matapos tukuyin ang mga pangunahing katangian ng forex at stock markets sa buong mundo, naglaan din si Charalambos Spyridis ng oras sa pagpapakita ng mga istratehiya na ginagamit, kasabay ng mga aspeto na kailangang isaalang-alang ng retail traders pagdating sa indibidwal na estilo sa pag-trade, layunin sa pag-invest at risk tolerance.

Kaya naman para matulungan ang mga bisita na magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi sa mga detalyeng ipinaliwanag, nagbigay si Charalambos Spyridis ng kanyang saloobin sa bentahe ng pag-iinvest sa currency pairs o alinman sa mahigit sa 1000 indibidwal na stocks na makikita sa XM. Higit pa, ang paggamit ng mahusay na technical indicator ng Tradepedia Trading Academy, ang Avramis River Indicator, ay ipinakita din sa mga dumalo na nagkaroon ng oportunidad na matuto kung paano madaling intindihin at suriin ang market trends at price action ng alinmang asset.

Nais naming pasalamatan ang mga bisita sa pagpunta sa seminar, at nais naming makabalik muli sa Greece para sa iba pang seminar na makakatulong sa online investors na pabutihin ang kanilang kasanayan sa pag-trade.