Para sa Kapakanan ng mga Bata – Kawanggawa ng XM sa Indonesia

Ipinaskil Disyembre 17, 2019 ng 9:30 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ikatlong pagkakataon, nagsagawa ang XM ng kawanggawa sa Indonesia para sa kapakanan ng mga kapus-palad na bata, para sa layuning maibsan ang malupit na kinalalagyan nila sa buhay.

Ang kawanggawa ay idinaos sa Jakarta noong Disyembre 4, 2019, katuwang ng isa sa mga pinaka-dedikadong organisasyon ng kawanggawa sa Indonesia, ang Yayasan Sayap Ibu, isang non-profit na organisasyon na itinatag para sa mga kabataan at kanilang mga pamilya na nasa laylayan ng lipunan.

Para sa milyon-milyong kabataan sa buong mundo, hindi kanais-nais ang sitwasyon ng kanilang paglaki. Kaya nakipagtulungan ang XM sa Yayasan Sayap Ibu sa pagtatangkang labanan ang hindi makataong kondisyon na kinalalagyan ng libu-libong bata sa Indonesia, at para makatulong din sa kapakanan ng kanilang mga pamilya.

Kasabay ng mga tagapangalaga sa Yayasan Sayap Ibu, pinangunahan ng XM ang kawanggawa noong Disyembre 4 para magbigay ng donasyon na lubhang mapapakinabangan. Sa araw na ito, nagbigay kami sa organisasyon ng napakaraming bagay, kabilang na ang pagkain, kagamitang pangkalinisan at pangkalusugan, pati na ng mga kagamitang pambahay at gamit pang-eskwela.

Dahil naniniwala ang XM na kabilang sa makataong aspeto ng kawanggawa ang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga naghihikahos, nagpalipas ng araw ang mga kinatawan ng aming kumpanya para makilala ang marami sa mga batang sinusuportahan ng Yayasan Sayap Ibu. Hindi lang ito isang karanasan na nakakaantig ng damdamin, ngunit isa ding katiyakan sa aming pagsisikap na simulan ang pagbabago sa buhay ng mga bata, na may karapatang makaligtas, umunlad, mabigyan ng proteksyon at aktibong makilahok sa lipunan.