Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Natutuwa kaming ibalita ang pinakabagong parangal na natanggap namin bilang pagkilala sa mataas na pamantayan ng serbisyo na ibinibigay ng aming kumpanya: Pinakamabilis Lumagong Broker ng 2019.
Pinarangalan ang XM dahil sa bilis ng paglaki ng kumpanya na may napakahusay na pagnenegosyo, galing sa tagapagbigay ng parangal na naka-base sa Hong Kong, ang Followme Social Trading Network, sa seremonya na isinagawa noong Disyembre 21, 2019.
Ang pagkakaroon nitong parangal ay isang pagkilala sa patuloy na husay ng serbisyo at kalidad ng produkto na napatunayan na ng XM sa pinansyal na industriya simula ng itinatag ito noong 2009, pati na ang kahandaan nito na maging makabago at serbisyuhan ang mga kliyente sa buong mundo nang may ‘di mapapantayang atensyon sa kagustuhan ng mga kliyente.
Tungkol sa Followme
Ang Followme Social Trading Network ay isang social community platform na tumutuon sa pag-i-invest online, na may layuning makapagbigay ng iisang lugar para sa mga nag-i-invest kung saan maari silang makipag-ugnayan tungkol sa iba’t-ibang aspeto ng pagti-trade online at ibahagi ang kani-kanilang karanasan sa pag-i-invest.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.