Eksklusibong Forex at CFD Seminar Isinagawa sa Bangkok

Ipinaskil Setyembre 18, 2018 ng 9:19 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong September 15 natutuwa kami na makabisitang muli sa kapital ng Thailand, ang Bangkok, para sa isang forex at CFD trading seminar na isinagawa para sa mga online investors na pursigidong palalimin ang kanilang kaalaman sa pag-trade gamit ang mga bagong pamamaraan sa day trading.

Ang aming mga bisita ay pumunta sa Swissotel Le Concorde Bangkok, kung saan nagkaroon sila ng eksklusibong oportunidad na makilala ang dalawang kilalang guro sa forex, na nagsilbi ding tagapagsalita sa seminar: sina Kriengkrai Jermpatjanya at Feungtot Pativetwanakit.

Ang unang bahagi ng seminar, na pinamunuan ni Kriengkrai Jermpatjanya, ay dedikado sa Breakout Strategy, habang sa pangalawang parte ng event tinalakay ni Feungtot Pativetwanakit sa mga bisita ang mga mahahalagang pamamaraan sa mabilisang pag-trade.

Ipinakita ng bawat tagapagsalita ang praktikal na paggamit ng mga pamamaraan at istratehiyang ito gamit ang mga halimbawang madaling intindihin, at ipinaliwanag din nila kung paano mailalapat ang mga ito sa pag-trade ng forex at CFDs.

Maraming mahahalagang impormasyon ang tinalakay sa mga dumalo sa aming seminar sa Bangkok, at nakakasabik ding makipag-ugnayang muli sa maraming mga kliyente na regular nang pumupunta sa aming mga seminar sa Thailand.

Nais naming imbitahan lahat ng mga hindi nakadalo sa XM seminar noong September 15 na mag-rehistro at pumunta sa aming nalalapit na libreng seminar na gaganapin sa Chiang Rai sa September 29.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye at i-reserba na ang iyong puwesto para sa nalalapit na seminar.