Pagsuporta sa mga Mahihirap na Bata sa Cairo

Ipinaskil Setyembre 11, 2023 ng 9:52 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Hulyo, ipinagmamalaki naming suportahan ang organisasyon na Haya Karima sa Egypt. Direktang nakakatulong ang kontribusyon namin sa misyon nilang bigyan ng de-kalidad na edukasyon ang bawat isang bata sa Cairo, kabilang ang mga naulila at galing sa pamilyang may pinansyal na pangangailangan.

Kabilang sa iba’t-ibang ginagawa ng Haya Karima ang pagpapatayo at pagpapaganda ng mga paaralan at nursery sa pamamagitan ng mga kinakailangang kagamitan, pagkuha ng kwalipikadong guro, at pagkakaroon ng mga klase sa pagbasa at pagsulat. Sa pamamagitan nito, nakakatanggap ang mga bata ng de-kalidad na edukasyon.

Para sa mga batang kapus-palad, kadalasang mahirap makakuha ng edukasyon na nararapat para sa kanila. Bukod sa problemang pinansyal, humaharap din sila sa kakulangan ng mga kwalipikadong titser, agwat sa karunungan, at iba pang mga pagsubok. Ang mga hamong ito ay maaaring maglagay sa kanila sa siklo ng kahirapan, na kalimitang hahadlang sa mga paparating na oportunidad. Gamit ang aming kontribusyon, layunin naming tibagin ito at bumuo ng mas maliwanag at mas pantay na hinaharap para sa lahat.

Ang Haya Karima ay isang inisyatiba na sinusuportahan ng gobyerno at nakatutok ito sa pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan sa siyudad at kanayunan, na may espesyal na pagtuon sa mga malalayong lugar. Pwede mong malaman ang tungkol sa mga proyekto nila sa kanilang website o magbigay ng donasyon dito.