Ginagawang Maginhawa ang mga Pulubi sa Malaysia

Ipinaskil Agosto 31, 2023 ng 8:06 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakipagtulungan ang XM sa Dapur Pasak, isang charity sa Malaysia na pinamumunuan ng mga kabataan, para magbigay ng pagkain at ibang pangangailangan sa mga taong lansangan sa Kuala Lumpur.

Kadalasang binabale-wala lang natin ang pagkakaroon ng makakain at pagpapanatili ng personal na kalinisan, pero para sa mga walang permanenteng matitirahan, isang itong patuloy na problema. Dahil dito, nagpamahagi ang XM at Dapur Pasak ng masustansyang pagkain, pati ng mga supply kit na pangkalinisan at pangkalusugan. Makakatulong ang mga ito para mapabuti ang kanilang kapanakanan at manumbalik ang pagiging normal at pagpapahalaga sa sarili.

Sabay nating mababago ang buhay ng iba at magagawang mas maliwanag na kinabukasan ng lahat. Ang mga inisyatiba ni Dapur Pasak ay kamangha-manghang halimbawa na sinimulan ng mga kabataan. Karaniwan silang nakikipagsanib-pwersa sa iba pang mga organisasyon para makapagbigay ng nararapat na suporta sa lahat ng naghihikahos na indibidwal, pamilya, at komunidad sa Malaysia.

Malalaman mo pa ang tungkol sa Dapur Pasak at makakapag-donate ka sa kanilang website.