Nalalapit na sa Pilipinas: Serye ng mga Forex Trading Seminar

Ipinaskil Agosto 2, 2017 ng 6:42 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga kliyente na babalik na naman ang XM sa Pilipinas para bagong forex trading seminar na isasagawa sa Davao sa ika-30 ng September, Cebu sa ika-14 ng October, at Manila sa ika-21 ng October.

Ang paksa ng seminar na pinamagatang Pagpapakilala sa Online Forex Trading ay ipi-presenta ng propesyonal na forex instruktor na si Jonathan Lou Reyes sa Cebu at Davao, na nag-disenyo ng kanyang seminar syllabus para makapagbigay ng praktikal na impormasyon tungkol sa mga pangunahing aspeto ng online forex trading sa mga nais matuto tungkol dito. Ang seminar na pinamagatang Ang Ichimoku Kinko Hyo at ang Avramis River ay ipi-presenta ng forex instruktor na si Mario Pashardes sa Manila.

Ang tatlong mga seminar ay tutuon muna sa pagpapakilala sa mga pinakamahahalagang aspeto ng online trading, at para tulungan ang mga dadalo na maging pamilyar sa trading tools na lubos na magagamit sa forex trading, depende sa kanilang estilo at napiling pamamaraan sa pag-trade.

Mula sa mga pangunahing konsepto ng forex trading hanggang sa mga mas kumplikadong trading tools gaya ng technical at fundamental analysis, tatalakayin ng instruktor ang mga importanteng detalye sa kung paano sundan at bigyang kahulugan ang market trends, paano magbasa ng charts, gumamit ng indicators at sundan ang trading signals para malaman ang pinakamainam na oras para pumasok at lumabas sa markets. Dahil napakahalaga ng risk management at trading psychology sa forex trading, ipapaliwanag din ito sa mga dadalo, kabilang ang mga teknik para maiwasan ang mga malalaking risks at alisin ang mga dahilan na negatibong nakakaapekto sa desisyong mag-trade.

Nais na naming makilala ang mga kliyente sa alinman sa dalawang siyudad kung saan isasagawa ang mga seminar.

Mangyaring mag-click dito para sa karagdagang detalye tungkol sa paksa ng seminar at makapag-rehistro na.