Nalalapit sa Bangkok: Eksklusibong Trading Seminar

Ipinaskil Hulyo 30, 2019 ng 12:11 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nananatiling tapat sa aming paniniwala na isa sa mga kailangan para magtagumpay sa pag-trade ay ang propesyonal na edukasyon sa forex, ngayong Nobyembre 23 babalik ang dedikadong pangkat ng XM sa kabisera ng Thailand para salubungin ang mga kliyente sa panibagong forex trading seminar.

Gaganapin sa Marriott Marquis Queen’s Park Hotel, ito ay libre para sa lahat ng mga kliyenteng gustong makapunta sa seminar na lubhang mapapakinabangan.

Ang mga pupunta sa seminar ay magkakaroon ng oportunidad na mapanood ang presentasyon na pamumunuan ng propesyonal na tagapagturo sa forex na si Feungtot Paitivetwanakit tungkol sa paksang pinamagatang Paano Magsagawa ng Sariling Sistema sa Pag-trade ng Forex. Para sa lahat ng mga interesadong matuto kung paano mapabuti ang sarili nilang istratehiya sa pag-trade ayon sa kani-kanilang indibidwal na estilo, layunin sa pag-i-invest, at mga itini-trade na instrument, ang seminar na ito ay ang tamang pagkakataon upang matuto ng kinakailangang kaalaman para mas matagumpay na makapag-trade. Higit pa dito, tatalakayin din ang mga mahuhusay na pamamaraan sa pagpapababa ng risk, pati na ang mga pamamaraan sa technical analysis na ginagamit sa panandalian, katamtaman, o pangmatagalang pag-trade.

Upang makapunta nang libre sa seminar ng XM at matuto ng mga mahahalagang kaalaman, mangyaring mag-click dito para sa karagdagang detalye at makapag-reserba na kaagad ng puwesto.