Nalalapit Na: Libreng Seminar sa Italy

Ipinaskil Setyembre 15, 2017 ng 12:43 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Babalik na naman ang XM sa Italy sa ika-28 ng October, ngayon naman sa siyudad ng Florence, kung saan magho-host kami ng libreng seminar tungkol sa mga teknik sa pag-trade ng forex at CFD.

Mula February 2017, nagsagawa ang XM ng anim na seminar sa iba’t-ibang lokasyon sa Italy, kung saan libreng nakadalo ang mga traders para magkaroon ng kaalaman tungkol sa pag-trade ng iba’t-ibang financial instruments.

Ang nalalapit na seminar ay isasagawa sa Grand Hotel Adriatico, Florence, kung saan si Lorenzo Sentino ay magbibigay ng presentasyon tungkol sa mga teknik sa forex at CFD, na may espesyal na tuon sa paggamit ng mga technical analysis tools.

Ang pangunahing layunin ng seminar ay makapagbigay sa mga online investors ng praktikal na gabay sa kung paano magsagawa ng indibidwal na istratehiya sa pag-trade base sa mga instrument na kanilang itini-trade at ang kanilang mga layunin na nais makamit. Maliban sa pagpapakita sa kahalagahan ng paggamit ng iba’t-ibang technical indicators, maglalaan din si Lorenzo Sentino ng panahon para sa mga teknik sa trading psychology at risk management, na parehong dapat isaalang-alang sa online trading.

Para sa karagdagang detalye ng seminar at siguruhin ang iyong pwesto para sa forex at CFD trading seminar sa Florence, mag-click dito.