Malapit Na: Mga Forex Seminar na Iho-host ng XM sa China

Ipinaskil Enero 3, 2017 ng 8:05 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong 2017 ay panibago na namang taon para makakuha ang mga trader ng mahalagang kaalaman sa tulong ng mga libreng seminar gaya ng mga nakaraang taon.

Ang XM team, na pinapangunahan ng mga propesyonal forex instruktor na sina Shawn Lee at Gabriel Yeh, ay babalik na naman sa China, ngayon naman sa siyudad ng Kashgar sa ika-18 ng February at Taichung sa ika-25 ng February.

Ang seminar na pinamagatang Introduksyon sa Avramis Swing Trading ay naghihintay para sa mga kliyente ng XM sa Radisson Blu Hotel sa Kashgar at sa The Lin Hotel sa Taichung kasama ng serye ng mga paksa na umiikot sa swing trading. Lahat ng mga dadalo sa seminar sa alinmang lokasyon ay magkakaroon ng malalim na pagkakaintindi sa technical analysis, na may espesyal na pagtatalakay sa paggamit ng Fibonacci. Higit pa, sa pang-umaga at panghapong sesyon ng bawat seminar, ipapakilala ang dalawa sa mga pinaka-tanyag na Tradepedia automated tools: ang Avramis Swing Indicator at ang Avramis Trend Reversal.

Higit pa, sa bawat lokasyon ang mga kliyente ng XM ay maaaring sumali sa XM Lucky Draw na magbibigay ng premyong nagkakahalaga ng 1500 USD.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa dalawang event at para mag-rehistro sa mga XM seminar mag-click dito.