Nakarating sa Chiang Rai ang aming mga CFD Trading Seminar

Ipinaskil Hunyo 6, 2018 ng 7:22 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang serye ng mga intensibong seminar na sinimulan ng XM ngayong March sa Thailand ay nakarating na sa pitong magkakaibang destinasyon, kung saan matagumpay na natapos ito noong June 2 sa siyudad ng Chiang Rai.

Ang mga kinatawan ng XM, katuwang ng propesyonal na instruktor na si Sompop Jittrakul, ang sumalubong sa mga dumalo sa Le Méridien Chiang Rai Resort, kung saan natuto sila ng kapana-panabik at mapapakinabangang presentasyon tungkol sa mga pamamaraan sa technical analysis sa CFD trading sa MT5 platform.

Ang paksa ng seminar ay sumakop sa maraming napakahalagang detalye sa pag-trade ng CFDs, kabilang na ang pagpapakilala sa global CFD market, ang mga instrument na itini-trade sa anyo ng Contracts for Difference, mga pamamaraan sa technical analysis para matukoy ang trend strength at price action, at higit sa lahat mga halimbawa na madaling sundan kapag nagti-trade ng CFDs sa multi-asset MT5 platform ng XM.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa aming seminar. Ikinagagalak namin ang pakikipag-ugnayang muli sa marami sa aming mga kasalukuyang kliyente at marami sa mga bagong kliyente na kakasimula palang sa kanilang edukasyon katuwang ng XM.

Gusto din naming ipaalam sa mga online investor na bukas na ang rehistrasyon ng XM para sa susunod na serye ng mga seminar nito, na gaganapin sa Bangkok at Chiang Mai ngayong tag-init, tungkol sa mga pamamaraan sa pag-trade ng forex.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye at para i-reserba na ang iyong puwesto sa nalalapit na seminar.