Nagsagawa sa Kuala Lumpur ng CFD Trading Seminar

Ipinaskil Enero 29, 2018 ng 9:45 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang ika-27 ng January 2018 ay isa na namang araw na dedikado sa edukasyon: nagsagawa ang XM ng libreng seminar sa Kuala Lumpur, Malaysia, para sa mga online investors na interesadong matuto tungkol sa mga pinakamahahalagang detalye na may kinalaman sa CFD trading.

Para sa lahat ng mga nais makasabay sa mga pinakabagong bagay na nakakaapekto sa mga CFD markets sa buong mundo, at para sa mga gustong palawakin ang kanilang kasalukuyang investment portfolios gamit ang mga financial instruments na itini-trade bilang CFDs (Contracts for Difference), ang seminar na isinagawa ng XM ay maraming naibigay na kaalaman. Ang event presenter na si Avramis Despotis ay nagbigay ng presentasyon tungkol sa paksa ng CFD trading, na nakapagbigay sa mga online investors ng panibagong investment pag dating sa pag-trade ng iba pang mga instruments maliban sa forex.

Ang seminar, na isinagawa sa Sheraton Imperial Kuala Lumpur, ay nagbigay ng napakaraming detalye na kailangan bago mag-invest sa CFDs sa stocks, mga stock index, precious metals at energies. Ang mga dumalo ay nagkaroon ng kaalaman sa kung ano ang CFDs; kung paano magti-trade ng CFDs sa MT5 platform ng XM; at higit sa lahat, kung paano makakatulong ang technical analysis sa mga investors para matukoy ang trend strength ng mga financial instruments na itini-trade bilang CFDs, nang may pagsasaalang-alang sa paggamit ng Moving Average Ribbon technique.

Pinasasalamatan namin lahat ng aming mga kasalukuyan at bagong kliyente na dumalo sa aming seminar sa Kuala Lumpur, at nais naming bumalik sa Malaysia sa hinaharap para sa mga libreng seminars na idinisenyo para sa mga baguhan at batikang traders.

Ang aming mga nalalapit na seminar ay magsisimula ngayong March, na pupunta sa kabuuan ng Malaysia, partikular na sa mga siyudad ng Sabah, Penang, Johor Bahru, Miri, at Melaka. Para magbasa pa tungkol sa mga seminar at mag-rehistro na sa lugar at petsa na iyong napili, mag-click dito.