Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
post-image

XM Umayuda sa Pag-recycle ng Plastik sa Cyprus

Ipinaskil Disyembre 13, 2022 ng 8:16 AM GMT

Nitong Nobyembre, itinayo sa Germasogeia beach sa Limassol, Cyprus ang higanteng hugis-isda na iskultura na gawang metal, para sa layuning mag-recycle ng plastik. Ang inisyatibang ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng organisasyon na Ena Emeis at ng XM para hikayatin ang pag-recycle at labanan ang polusyon na dulot ng plastik. Ang Germasogeia beach ay isang sikat na destinasyon para sa mga turista at lokal na mamamayan. Sa kasamaang-palad dumaranas ito ng problema sa basura, na dahilan kung bakit pumapangit ang [..]

post-image

XM Tumulong sa mga Ulilang Bata sa Iraq

Ipinaskil Disyembre 7, 2022 ng 11:09 AM GMT

Nakipagtulungan ang XM sa Nobles Foundation at Shareteah Humanitarian Organization sa Iraq para suportahan ang mga ulilang bata sa Baghdad at Dohuk na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Maraming bata ang nahihirapang bayaran ang mga pangunahing gastusin sa paaralan at napipilitan silang huminto dahil sa kakulangan ng suporta at kalinga ng kanilang pamilya. Dahil dito, nagbigay kami ng mga donasyon na bag, kwaderno, papel, at uniporme sa mga batang hindi makabili ng mga gamit pang-eskwela. Napakaraming bata ang humihinto sa pag-aaral [..]

post-image

Pagtulong ng XM sa mga Batang Nangangailangan

Ipinaskil Nobyembre 28, 2022 ng 8:33 AM GMT

Nitong Oktubre 2022, pinondohan ng XM ang event na pinamunuan ng Singapore Red Cross para sa mga batang nagmula sa mga mahihirap na pamilya, bilang bahagi ng Young Hearts Enrichment Programme. Nagpalipas ng araw ang mga bata sa pamamagitan ng paghuli at pag-iihaw ng hipon kasama ng kanilang mga pamilya sa ORTO, ang pinakamalaking pasilidad ng hipon sa Singapore. Napaligiran sila ng magandang parke at malalagong halaman, makukulay na bulaklak, at kaaya-ayang lawa. Ang araw kasama ng pamilya ay napuno [..]

post-image

XM Nagbigay-tulong sa mga Batang may Karamdaman

Ipinaskil Nobyembre 3, 2022 ng 11:42 AM GMT

Ipinagpatuloy ng XM ang buwanang donasyon nito sa Reach for a Dream Foundation sa South Africa bilang pagsuporta sa mga batang humaharap sa matitinding karamdaman. Ang Reach for a Dream Foundation ay may marangal na misyon na pagandahin ang buhay ng mga batang may malubhang sakit at tulungan silang tuparin ang kanilang mga pangarap. Buwan-buwan, nagbibigay kami ng kontribusyon sa inisyatiba sa pamamagitan ng pagsuporta sa dalawang bata na pinili ng organisasyon. Nagpapalipas kami ng araw na ginagawa ang mga [..]

post-image

XM Nagpakain sa mga Beterano sa Indonesia

Ipinaskil Nobyembre 1, 2022 ng 12:54 PM GMT

Nakipagsanib-pwersa ang XM sa Rumah Zakat para gunitain ang Araw ng Kalayaan sa Indonesia, sa pamamagitan ng donasyon sa mga matatapang na beterano na lumaban para sa kalayaan ng bansa. Sa bawat araw ng kanilang serbisyo, tinataya ng mga sundalo ang kanilang buhay para sa Indonesia at mga mamamayan nito. Sa pagdepensa nila sa kanilang bansa, may ibang dumanas ng ‘di mapapantayang pagkawala, sa anyo man ito ng pagkamatay ng kapwa-sundalo, makapaminsalang kapansanan, PTSD, o pagsubok sa muling pagbabalik sa [..]

post-image

Ayuda ng XM sa Edukasyon ng Kabataan sa Vietnam

Ipinaskil Oktubre 31, 2022 ng 12:05 PM GMT

Nagbigay ng donasyon kamakailan ang XM sa Ho Chi Minh City Child Welfare Association (HCWA) sa Vietnam para bigyan ang mga kapus-palad na bata ng de-kalidad na edukasyon, anuman ang kinatatayuan nila sa buhay. Maraming bata sa Vietnam ang naninirahan sa lansangan, iniisip kung saan manggagaling ang susunod nilang makakain, naghahanap ng kanlungan palayo sa mga mapang-abusong magulang, at namumuhay nang may pisikal at mental na kapansanan. Gusto lang nila ng tiyak na kaligtasan, mahigpit na yakap, at pagkakataong magkaroon [..]

post-image

XM Tumulong sa mga Nasalanta ng Baha sa Pakistan

Ipinaskil Oktubre 21, 2022 ng 8:53 AM GMT

Nakipagsanib-pwersa ang XM sa JDC Foundation nitong Setyembre para tulungan ang milyon-milyong nabiktima ng pagbaha na itinuturing na pinakamalala sa kasaysayan ng Pakistan. Nagdulot ng matinding sakuna ang malalakas na ulan, kung saan nabaha ang mga nayon at 33 milyon ang naapektuhan sa buong bansa. Tinatayang mahigit 800,000 tahanan ang nawasak, at 1,200,000 kabahayan ang nasira. Milyong-milyong Pakistani ang napilitng lumikas sa baha at napwersang matulog sa labas hanggang sa makahanap ng pansamantalang matutuluyan sa mga “tent city” na tinatayo [..]

post-image

Tulong ng XM sa Pangmusikang Programa sa Cyprus

Ipinaskil Oktubre 20, 2022 ng 1:03 PM GMT

Patuloy na sinusuportahan ng XM ang Sistema Cyprus sa pamamagitan ng panibagong donasyon. Layunin nitong organisasyon na magturo ng libreng klasikong musika sa mga batang nangangailangan sa tulong ng orkestra at koro, na parehong naghahandog ng oportunidad sa paglago at personal na pag-unlad. Nagbibigay-daan ang Sistema Cyprus na matuto ang mga kapus-palad na kabataan, kabilang na ang mga migrante at refugee, mula mismo sa mga propesyonal na may karanasan sa orkestra at kolektibo sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sinuportahan namin [..]

post-image

XM Nag-ambag sa Pagsasaayos ng Ospital sa Greece

Ipinaskil Oktubre 19, 2022 ng 10:03 AM GMT

Nagbigay ng donasyon kamakailan ang XM sa Tzaneio Hospital sa Piraeus, Greece, para suportahan ang pagsasaayos ng Laparoscopic Unit ng First Surgical Department. Itatayo sa Tzaneio Hospital ang makabagong Center of Excellence in Laparoscopic and Bariatric Surgery. Gamit ang bagong pasilidad, magsasanay ang mga baguhang surgeon at estudyante ng Athens Medical School sa moderno at makabagong kagamitan kung saan makakapagturo ng kurso ang mga bumibisitang propesor at makapagsasagawa ng operasyon habang inoobserbahan at pinag-aaralan ito ng mga tagapagligtas sa susunod [..]

post-image

Suporta ng XM sa Edukasyon ng mga Bata sa Mexico

Ipinaskil Oktubre 6, 2022 ng 9:14 AM GMT

Nag-organisa kamakailan ang XM ng isang event sa Panamerican University para itaguyod ang edukasyon ng mga batang nagmula sa mga maralitang pamilya sa Mexico City. Karaniwang napipilitan ang mga mahihirap na pamilya na unahin ang mga pangangailangan tulad ng pagkain at matitirahan, kaysa sa paaralin ang kanilang mga anak. Maraming bata ang tumitigil sa pag-aaral dahil hindi makayanan ng kanilang pamilya na bumili ng mga pangunahing gamit pang-eskwela, kaya nililimitahan nito ang pagkakataon nilang magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Para [..]

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.