Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
post-image

XM Sumusuporta sa Doctors Without Borders

Ipinaskil Pebrero 7, 2023 ng 11:40 AM GMT

Nagbigay kami ng donasyon kamakailan sa Médecins Sans Frontières (MSF) o mas kilala sa tawag na Doctors Without Borders, bilang bahagi ng aming Corporate Social Responsibility (CSR) na tulungan ang mga nangangailangan sa buong mundo. Ito ang aming ika-48 at panghuling inisyatiba sa CSR noong 2022, at patuloy ang aming pagsuporta sa MSF. Araw-araw tayong nakakarinig ng balita tungkol sa giyera, tunggalian, sakuna, at iba pang mga pangyayari na nagreresulta sa paghihikahos at pangangailangan ng agarang medikal na tulong. Minsan, [..]

post-image

Donasyon ng XM sa Pagpagawa ng Klinikang Pambata

Ipinaskil Pebrero 6, 2023 ng 11:03 AM GMT

Ang pinakabago naming inisyatiba sa Corporate Social Responsibility (CSR) ay nalalapit sa aming puso – ang pagpapagawa ng Amerikos Argyriou Paediatric Center sa Limassol. Gagamitin ang aming donasyon para pagandahin ang pasilidad at bumili ng mga kailangang gamit sa klinika dahil kasalukuyan itong pinapaganda at ginagawang moderno. Ito ang kauna-unahang klase ng ganitong klinika sa Cyprus na nag-aalok ng dedikadong espesyalista sa pag-aalaga ng mga bata. Kinailangan pang magpasa ng bagong batas para mabigyan ito ng lisensya, dahil sa panahong [..]

post-image

Sinusuportahan ng XM ang mga Nakakatanda sa Peru

Ipinaskil Pebrero 1, 2023 ng 2:10 PM GMT

Noong Disyembre, nakipagtulungan ang XM sa organisasyon na Nietos Itinerantes sa Peru para mag-organisa ng bingo sa mga matatanda na nakatira sa San Miguel Residential Care Center sa Lima. Bukod dito, nag-donate din kami ng mga kagamitang medikal sa pasilidad na ito na kabilang sa National Comprehensive Program for Family Well-being (INABIF). Kahit na ipinagbubunyi natin ang mas mahabang buhay, nagdadala ito ng bagong pagsubok lalo na sa mga mahihirap. Ang San Miguel Residential Care Center ay nagbibigay sa mga [..]

post-image

Donasyon sa mga Batang may Sakit sa Puso

Ipinaskil Enero 27, 2023 ng 9:48 AM GMT

Nagbigay kami ng espesyal na donasyon sa mga kapus-palad na batang Pilipino na may congenital heart disease. Kasama ang kanilang mga pamilya, ginawa naming mas masaya ang bisperas ng bagong taon. Sa pakikipagtulungan sa Chummy Chum Foundation at Heart Warriors Philippines, binigyan namin sila ng mga regalo, pagkain, at kagamitang medikal. Masaya dapat ang pagdiriwang ng bagong taon. Pero sa kasamaang-palad, hindi ito nararamdaman ng mga batang may karamdaman. Kadalasan pa silang kapos sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain. [..]

post-image

Ayuda ng XM sa mga Nalindol sa Indonesia

Ipinaskil Enero 27, 2023 ng 8:17 AM GMT

Nitong Nobyembre 2022, katuwang ng XM ang lokal na organisasyon na Benih Baik sa pagbibigay ng pagkain sa mga biktima ng malakas na lindol na tumama sa West Java, Indonesia. Noong Nobyembre 21, tinamaan ng 5.6 magnitude na lindol ang rehiyon ng Cianjur, na nasa kanlurang baybayin ng Java Island. Ang mababaw na sentro ng lindol ang dahilan kung bakit naging nakapaminsala ito at nagresulta sa libo-libong residente na namatay o nasaktan. Daan-daang bahay, paaralan, at pampublikong pasilidad ang nasira [..]

post-image

Pagpapasaya sa mga Bata sa Panahon ng Kapaskuhan

Ipinaskil Enero 25, 2023 ng 11:20 AM GMT

Ipinagmamalaki namin ang patuloy na pagsuporta sa Reach for a Dream Foundation na tumutulong sa pagtupad ng mas marami pang bata sa South Africa na namumuhay nang may malalang sakit. Para sa mga batang ito, mahirap ang araw-araw na paglaban sa kanilang mga karamdaman. Kaya sa panahon ng kapaskuhan nitong 2022, tinupad namin ang pangarap ng 5 bata na binigyan namin sila ng sulyap sa normal na pagkabata. Aatiqah Benjamin Si Aatiqah ay isang matalinong batang babae na gustong nakikipaglaro [..]

post-image

Nagbigay-tulong ang XM sa mga Batang Rohingya

Ipinaskil Enero 13, 2023 ng 9:56 AM GMT

Sa XM, hindi kami lumalayo sa pangunahin naming misyon na makagawa ng pagbabago sa kalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo. Mas matindi pa ang paniniwalang ito pagdating sa mga kapus-palad. Kamakailan lang, nakipagtulungan kami sa Humanitarian Care Malaysia Berhad (MyCARE) para magbigay ng mga gamit pang-eskwela sa mga batang Rohingya na refugee sa 3 paaralan sa Selangor at Johor. Binisita ng aming mga kinatawan pati ng CEO na si Ms. Stavri Morti ang isa sa mga paaralan [..]

post-image

Pinasaya ng XM ang mga Bata Nitong Kapaskuhan

Ipinaskil Enero 10, 2023 ng 1:51 PM GMT

Nitong Disyembre, binisita namin ang mga bata sa Tygerberg Hospital sa Cape Town, South Africa, kasama ng mga kaibigan namin sa Reach for a Dream Foundation, para sa misyon na magbigay ng ngiti sa kanilang mga mukha. Nagtipon-tipon sa palaruan ng ospital ang mga batang may malulubhang karamdaman para makisaya sa sorpresang Christmas party. Tuwang-tuwa ang lahat sa kamangha-manghang magic tricks at mga biro na mula sa entertainer ng Reach for a Dream Foundation. Nagpatuloy ang handaan na may masayang [..]

post-image

Ika-5 Handaan ng XM Para sa mga Ulila sa Uganda

Ipinaskil Enero 5, 2023 ng 12:12 PM GMT

Nitong Disyembre 2022, inorganisa ng XM ang ika-5 nitong salo-salo para sa mga ulila sa Uganda. Lumikom kami ng pera mula sa aming mga opisina sa Cyprus at Greece sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga gamit at pagkain na galing Uganda. Bahagi ito ng patuloy na suporta ng XM sa Saint Antonios of Monde Orphanage. Nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga empleyado ng XM na tumulong sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng pagbili ng masasarap na pagkain na niluto [..]

post-image

XM Kaakibat ng Isang Shelter ng Aso sa Cyprus

Ipinaskil Disyembre 14, 2022 ng 12:20 PM GMT

Nitong Nobyembre, nagbigay kami ng donasyon sa Sirius Dog Sanctuary sa Cyprus para sa pambili ng pagkain ng mga tuta. Isa rin itong pagkakataon para sa mga boluntaryo na magpalipas ng araw sa shelter, makipaglaro sa mga aso, at tumulong sa pagpapakain at pagpapalakad sa kanila. Ang Sirius Dog Sanctuary ay tahanan ng mahigit 170 asong kalye. Pinapatakbo ito ng mga boluntaryo nang walang tulong mula sa gobyerno, at umaasa lamang sila sa donasyon ng mga tagasuporta. Napakamahal magpakain at [..]

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.