Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
post-image

XM Tumulong sa mga Biktima ng Pagbaha sa Johor

Ipinaskil Mayo 19, 2023 ng 11:19 AM GMT

Noong Abril 8, 2023, nag-donate ang XM sa inisyatiba ng We Listen Malaysia na “Pasca Banjir Johor” upang magbigay ng ayuda sa mga nakatira sa Seri Medan, Batu Pahat, Johor na lubhang naapektuhan ng nakapamiminsalang pagbaha. Sa ngayon, nakaabot na ang donasyon namin sa 65 biktima, na nakatanggap ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, itlog, mantika, harina, mga diaper, tsaa, at kape. Ang We Listen Malaysia ay isang non-profit na may kaparehong layunin tulad ng XM na gawing mas [..]

post-image

XM Nagbigay ng Donasyon sa WWF noong Earth Day

Ipinaskil Mayo 18, 2023 ng 7:27 AM GMT

Taon-taon, tuwing ika-22 ng Abril, mahigit isang bilyong katao ang nagdiriwang ng Earth Day. Isa itong araw na dedikado sa pagprotekta ng ating planeta mula sa polusyon at pagkasira ng kagubatan. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga aktibidad tulad ng pagpupulot ng basura at pagtatanim ng mga puno, ginagawa ng lahat ang kanilang makakaya para gawing mas masaya at mas maganda ang mundong tinitirahan natin. Para ipakita ang aming pakikiisa, pinili namin ang Abril 22 para ipagpatuloy ulit ang taunan [..]

post-image

XM Tumulong sa Kapakanan ng mga nasa Pakistan

Ipinaskil Mayo 15, 2023 ng 12:33 PM GMT

Nitong Ramadan, sinuportahan ng XM ang Sahara Public Rights Welfare (SPRW) Organization. Bilang bahagi ng patuloy na pagtulong ng XM, nagbigay kami ng donasyong pagkain at pera para sa medikal na pangangailangan ng mga pasyente sa SPRW. Sa loob ng mahigit tatlumpung taon, ang Sahara Public Rights Welfare Organization, na itinatag noong 1988, ay sumusuporta sa mga may sakit, matatanda, may kapansanan sa pangangatawan at pag-iisip, pati mga bata. Nagsimula lang ito sa munting grupo, pero lumaki na ito ngayon [..]

post-image

Nagbigay-tuwa ang XM sa mga Ulila sa Indonesia

Ipinaskil Mayo 2, 2023 ng 8:39 AM GMT

Noong Marso 11, nakipagtulungan kami sa Human Initiative sa Indonesia para mag-organisa ng programang tinawag na “Mamili ng Gamit Kasama ng mga Naulila” sa Transmart Cempaka Putih sa Gitnang Jakarta. Ang pangunahin naming layunin ay maibsan ang pinansyal na pangangailangan ng mga batang ulila na nakatira dito. Sa kabuuan, nakapagbigay kami ng mga voucher sa 30 ulila na galing sa 4 na paaralan na sinusuportahan ng Human Initiative: 10 mula sa SDIT Al Amanah, 5 mula sa SDIT Al Mubarok, [..]

post-image

XM Tumulong sa Pagbabalik-eskwela ng mga Nabaha

Ipinaskil Abril 10, 2023 ng 11:03 AM GMT

Nakipagtulungan kami sa MyCARE sa Malaysia para magpamahagi ng mga gamit pang-eskwela sa mga batang naapektuhan ng napakatinding pagbaha sa Kelantan. Lubhang nawasak ng baha ang libo-libong mga bahay kaya maraming pamilya ang hindi makaraos. Sinusuportahan namin ang mga mahihirap na pamilya dahil kadalasang hindi nila prayoridad ang pagbili ng gamit para sa pag-aaral ng mga bata. Para tulungan ang mga batang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at panatilihin ang pagiging normal ng kanilang buhay, sinuportahan namin ang Back to School [..]

post-image

Nakiisa ang XM sa mga Namumuhay nang may Autism

Ipinaskil Abril 10, 2023 ng 9:35 AM GMT

Nitong Abril 2, 2023 sumali ang XM sa pandaigdigang kampanya na sumusuporta sa pagpapalaganap ng kamalayan sa autism, sa pamamagitan ng pagpapailaw ng opisina namin sa Limassol. Bukod sa taunang donasyon sa Cyprus Autistic Association, marami sa amin ang nagsuot ng asul bilang pakikiisa. Ito ang pangalawang sunod na taon na sinuportahan namin ang World Autism Awareness Day. Pinamunuan ito ng organisasyon na Autism Speaks, na naglalayong pagyamanin ang pag-unawa at pagtanggap sa mga taong may autism. Ngayong taon, ang [..]

post-image

XM Nagbigay-tulong ngayong Ramadan

Ipinaskil Abril 7, 2023 ng 8:09 AM GMT

Nakatutok kami sa pagpapalaganap ng responsibilidad sa lipunan, sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga inisyatiba na nakakapagbigay ng malaking pagbabago sa buong mundo. Ngayong taon, para sa Ramadan, nagbigay kami ng donasyon sa tatlong organisasyon sa gitnang silangan at hilagang Africa. Layunin ng Haya Karima o “Disenteng Buhay” na maibsan ang paghihikahos ng mga mamamayan ng Egypt sa pamamagitan ng mga makatao at pangkaunlarang gawain. Magbasa pa at mag-donate dito. Tumutulong ang Shareteah Humanitarian Organization na makabalik sa pag-aaral ang [..]

post-image

Mas Magandang Buhay para sa mga Nakatatanda

Ipinaskil Marso 23, 2023 ng 9:33 AM GMT

Nakipagsanib-pwersa na naman kami sa Singapore Red Cross para suportahan ang mga nakatatanda na namumuhay mag-isa sa Tampines. Sabay kaming namigay ng mga kinakailangang gamit pati ng mga pangmatamis para pasiyahin ang kanilang araw. Mahigit 88 libong matatanda sa Singapore ang namumuhay mag-isa dahil walang mag-aalaga sa kanila. Humaharap sila sa maraming pagsubok araw-araw tulad ng pagkakaroon ng masustansyang pagkain para mapanatili ang kanilang kalusugan. Para makatulong na ibsan ang kanilang paghihirap, nag-donate kami sa Red Cross ElderAid programme. Nagpamigay [..]

post-image

XM Ibinahagi sa mga Bata ang Regalo ng Musika

Ipinaskil Pebrero 14, 2023 ng 9:33 AM GMT

Sa kauna-unahang donasyon ngayong 2023, ipinagpatuloy namin ang pagsuporta sa Sistema Cyprus, isang panlipunang orkestra at koro para sa mga batang mahihirap. Sinorpresa namin ang mga musikero ng mga mapapakinabangang gamit para tulungan sila sa kanilang pagtuklas sa musika. Noong nagtipon ang mga bata at guro para pagsaluhan ang cake sa Bagong Taon na tinatawag na Vasilopita, ibinahagi sa kanila ng XM ang mga bagong music stand at literatura! Nakatanggap din ang bawat bata ng reusable na bote ng tubig, [..]

post-image

XM Tumulong sa mga Nalindol sa Turkey at Syria

Ipinaskil Pebrero 13, 2023 ng 12:42 PM GMT

Isang napakalaking lindol ang tumama sa Turkey at Syria, kung saan marami sa mga nakaligtas ang nahihirapang mamuhay nang walang tirahan o pagkain sa ilalim ng masamang panahon. Para suportahan ang mga bata na pinakaapektado sa sakunang ito, nagbigay kami ng donasyon sa (UNICEF). Sinusuportahan ng UNICEF ang paghahanap at pagliligtas ng mga biktima, at pamimigay ng mga pangangailangan. Kailangan na ng mga bata ng matutuluyan, medikal na atensyon, pagkain, malinis na tubig, kumot, makakapal na damit, at pangangailangang pangkalinisan. [..]

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.