Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Dompet Dhuafa

Ipinaskil Disyembre 24, 2020 ng 7:00 AM GMT

Lubhang nakakaapekto pa rin ang COVID-19 pandemic sa mga mahihirap na komunidad sa buong mundo. Maraming tao ang nalugmok sa kahirapan dahil sa epekto ng pandemya sa pandaigdigang ekonomiya, at hindi makaraos para sustentuhan, suportahan at protektahan ang kani-kanilang mga pamilya. Sa pagsisikap naming tulungan ang mga taong nangangailangan, at bilang bahagi ng aming inisyatiba sa corporate social responsibility, nagbigay kami ng donasyon sa #MelawanCOVID-19 (Sama-sama Tayo Laban sa Corona) ng Dompet Dhuafa para makapagbigay ng pagkain, serbisyong pangkalusugan at [..]

post-image

Nagbigay ng donasyon ang XM sa mga bata sa tulong ng OrphanCare

Ipinaskil Disyembre 22, 2020 ng 8:35 AM GMT

Karapatan ng lahat ng bata na lumaki sa ligtas at nagmamalasakit na pamilya. Pero sa libu-libong bata ang naulila at inabandona sa buong Malaysia, sa kasamaang-palad, hindi natutugunan ang mga kondisyong ito. Dulot ng hindi sapat na edukasyon, pangangalaga sa bata, at emosyonal na suporta, ang mga batang nasa institusyon ay kulang sa pag-aarugang kailangan para lumaki at umusbong. Sa pagsisikap nitong makapagbigay ng kumakalingang tahanan para sa mga batang dehado, ang OrphanCare ay may serbisyo sa propesyonal na pag-alis [..]

post-image

Sinusuportahan ng XM ang ACT Indonesia ngayong Pandemya

Ipinaskil Nobyembre 26, 2020 ng 11:16 AM GMT

Isang malungkot na katotohanan ang matinding epekto ng 2020 Covid-19 pandemic sa ekonomiya ng mundo, kung saan pinakaapektado ang mga mahihirap at kapus-palad sa lahat ng grupo sa lipunan. Dahil wala silang paraan para protektahan o pangalagaan ang kanilang sarili at pamilya, lalo na kung nawalan sila ng trabaho dahil sa pandemya, nagsisikap nang husto ang mga naghihikahos at kapus-palad na komunidad sa buong mundo para makaraos, dahil dito nakataya ang kanilang buhay. Bilang parte ng aming mga patakaran at [..]

post-image

Nag-donate ang XM sa Lebanese Red Cross

Ipinaskil Agosto 6, 2020 ng 12:02 PM GMT

Ikinagulat ng buong mundo ang napakalaking pagsabog na nangyari noong Agosto 4 sa daungan ng Beirut. Dahil sa maraming namatay, libo-libong sugatan, 50% ng siyudad na lubhang nasira at hindi pa nalalamang bilang ng mga taong natabunan ng mga gumuhong gusali, isa itong nakapipinsalang sakuna para sa lungsod ng Beirut. Ipinapabatid namin ang aming simpatya, suporta at pakikiisa sa mga mamamayan ng Beirut sa pamamagitan ng pagbigay ng malaking halaga sa Lebanese Red Cross, upang makatulong sa pagsalba ng mga [..]

post-image

Itinataguyod ng XM ang mga Batang Ulila sa Uganda

Ipinaskil Hulyo 22, 2020 ng 7:59 AM GMT

Nitong Hulyo 2020, inulit ng XM ang taunang suporta at pakikipagtulungan nito sa Go with the Flow, isang organisasyon na may misyong tugunan ang mga pag-aalala at problemang pangkalinisan ng mga batang kapus-palad sa Uganda, upang matulungan silang magkaroon ng normal na buhay. Kada buwan sa Monde Orphanage sa Uganda, hindi pumapasok ang mga batang babae sa paaralan dahil wala silang mga produktong pangkalinisan tuwing dinadatnan sila. Sa halip, gumagamit sila ng mga basahan o dahon na masama sa katawan, [..]

post-image

Donasyon ng XM sa Maison Chance Foundation para sa mga Kabataan

Ipinaskil Hulyo 3, 2020 ng 9:44 AM GMT

Noong Hunyo 24, nagsagawa ng isa pang kawanggawa ang XM sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa Maison Chance Foundation sa Vietnam. Mula umpisa, malaki ang natutulong ng corporate social responsibility ng kumpanya sa pagsuporta sa mga maralitang kabataan na hindi pinalad sa kalusugan, edukasyon at kinabukasan. Kaya naman, isinaisip namin ito noong nakipagtulungan kami sa NGO na Maison Chance sa Ho Chi Minh, na may layuning makapagbigay ng ligtas na tirahan at mga pangangailangan sa mga batang may kapansanan, [..]

post-image

Donasyon ng XM sa Bangkok para Sugpuin ang Covid-19

Ipinaskil Hunyo 12, 2020 ng 7:35 AM GMT

Sa layuning makatulong sa frontliners na nalalantad sa Covid-19 pandemic dahil sa kanilang mga trabaho, nagbigay ang XM ng donasyon sa Bhumibol Adulyadej Hospital sa Bangkok noong Mayo 22. Simula noong pumutok ang pandemic, nagsagawa ng mga inisyatibo ang XM bilang bahagi ng corporate social responsibility nito, sa pamamagitan ng mga donasyon sa mga pangkalusugang institusyon na nagsisikap nang husto para labanan ang Covid-19. Dahil umabot na ng higit sa 7 milyon ang mga nahawa sa buong mundo, patuloy ang [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa GMA Kapuso Foundation para Sugpuin ang COVID-19

Ipinaskil Mayo 15, 2020 ng 9:37 AM GMT

Sa pagtatangkang makapag-ambag sa layuning panlipunan ng iba’t-ibang bansa at mga naghihikahos na komunidad na nangangailangan ng suporta, noong Mayo 7 nagbigay ng donasyon ang XM sa GMA Kapuso Foundation sa Pilipinas, upang sugpuin ang COVID-19 sa bansa. Ang desperadong pagsisikap sa buong mundo para magamot ang mga taong tinamaan ng COVID-19, at protektahan ang kalusugan ng mga nalalantad dito, ay nagpapatuloy din sa Pilipinas, kung saan lumilikom ng donasyon ang mga organisasyon tulad ng GMA Kapuso Foundation para masuportahan [..]

post-image

Nagbigay Ulit ng Donasyon ang XM para Suportahan ang Laban sa Covid-19

Ipinaskil Abril 27, 2020 ng 5:00 AM GMT

Patuloy na nagsasagawa ang XM ng kawanggawa para suportahan ang matinding laban sa novel coronavirus pandemic. Sinusunod ng XM ang pangako nito na patuloy na suportahan ang mga lokal na komunidad na humaharap sa krisis sa Timog-Silangang Asya. Matapos magbigay ng pondo sa Saigon Children’s Charity foundation sa Vietnam, sinundan ito ng iba pang mga donasyon, na ngayon naman para suportahan ang mga kawani sa kalusugan at mga ospital na nalalagay sa peligro upang makapagligtas ng mga buhay. Noong Abril [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Covid-19 Relief Fund ng Saigonchildren

Ipinaskil Abril 21, 2020 ng 9:36 AM GMT

Simula noong pumutok ang coronavirus pandemic, nagsikap na nang husto ang XM para maibsan ang matinding pagsubok na dulot ng novel coronavirus pandemic sa buhay ng mga tao. Sa pagsisikap na makatulong sa mga naghihikahos na komunidad, noong Abril 15 nagbigay ng donasyon ang XM sa Covid-19 Emergency Support Fund ng Saigon Children’s Charity CIO (Saigonchildren), isang organisasyon sa Vietnam na dedikado sa pagtulong sa mga kapus-palad na kabataan. Habang ang bilang ng mga nahawa sa Covid-19 sa buong mundo [..]

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.