Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
post-image

Lalahok ang XM sa Finance Magnates Africa Summit

Ipinaskil Abril 20, 2023 ng 8:15 AM GMT

Nasasabik kaming dumalo bilang Diamond Sponsor sa nalalapit na Finance Magnates Africa Summit o mas kilala sa tawag na FMAS:23. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng expo ang Finance Magnates sa Africa, kaya naman inaabangan itong maging isa sa mga pinakamalalaking pagtitipon ng B2B at B2C sa rehiyon. Pupunta kami sa South Africa para makipag-ugnayan sa mga trader, investor, partner, tagapagturo, affiliate, at iba pang mga propesyonal sa industriya na galing sa iba’t-ibang bahagi ng kontinente. Sa 2.5 araw [..]

post-image

Nanalo na naman ang XM sa COLWMA 2023

Ipinaskil Abril 12, 2023 ng 11:34 AM GMT

Sa ika-5 beses mula noong 2017, nanalo na naman ang XM bilang Pinakamagaling na CFD Provider! Ang pagsisikap naming pabutihin ang aming mga alok ay kinilala muli sa City Of London Wealth Management Awards (COLWMA), na suportado ng London Stock Exchange. Itinatanghal nitong parangal ang mga kumpanya at indibidwal na namamahala ng pera. Ngayong 2023, nakipagtagisan ang mga nangungunang kumpanya sa iba’t-ibang sektor, kung saan higit sa 50,000 ang galing sa boto ng publiko! Pinangasiwaan ang proseso ng mga independiyenteng [..]

post-image

Isa ang XM sa 10 Pinakasikat na Broker ng 2022

Ipinaskil Abril 11, 2023 ng 9:06 AM GMT

Nasasabik kaming ibalita na napanalunan ng XM ang parangal na Isa sa 10 Pinakasikat na Broker noong 2022 mula sa FOLLOWME, ang kumpanyang nasa likod ng isa sa mga nangungunang komunidad sa pag-trade. Ang FOLLOWME ay isang kumpanya sa fintech na itinatag noong 2015. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa traders mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na makisalamuha, ipamalita ang mga karanasan at ideya, at magbahagi ng mga diskarte sa pag-trade. Natutuwa kami sa pagkilala ng FOLLOWME bilang isa sa [..]

post-image

XM Tumulong sa Pagbabalik-eskwela ng mga Nabaha

Ipinaskil Abril 10, 2023 ng 11:03 AM GMT

Nakipagtulungan kami sa MyCARE sa Malaysia para magpamahagi ng mga gamit pang-eskwela sa mga batang naapektuhan ng napakatinding pagbaha sa Kelantan. Lubhang nawasak ng baha ang libo-libong mga bahay kaya maraming pamilya ang hindi makaraos. Sinusuportahan namin ang mga mahihirap na pamilya dahil kadalasang hindi nila prayoridad ang pagbili ng gamit para sa pag-aaral ng mga bata. Para tulungan ang mga batang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at panatilihin ang pagiging normal ng kanilang buhay, sinuportahan namin ang Back to School [..]

post-image

Nakiisa ang XM sa mga Namumuhay nang may Autism

Ipinaskil Abril 10, 2023 ng 9:35 AM GMT

Nitong Abril 2, 2023 sumali ang XM sa pandaigdigang kampanya na sumusuporta sa pagpapalaganap ng kamalayan sa autism, sa pamamagitan ng pagpapailaw ng opisina namin sa Limassol. Bukod sa taunang donasyon sa Cyprus Autistic Association, marami sa amin ang nagsuot ng asul bilang pakikiisa. Ito ang pangalawang sunod na taon na sinuportahan namin ang World Autism Awareness Day. Pinamunuan ito ng organisasyon na Autism Speaks, na naglalayong pagyamanin ang pag-unawa at pagtanggap sa mga taong may autism. Ngayong taon, ang [..]

post-image

XM Nagbigay-tulong ngayong Ramadan

Ipinaskil Abril 7, 2023 ng 8:09 AM GMT

Nakatutok kami sa pagpapalaganap ng responsibilidad sa lipunan, sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga inisyatiba na nakakapagbigay ng malaking pagbabago sa buong mundo. Ngayong taon, para sa Ramadan, nagbigay kami ng donasyon sa tatlong organisasyon sa gitnang silangan at hilagang Africa. Layunin ng Haya Karima o “Disenteng Buhay” na maibsan ang paghihikahos ng mga mamamayan ng Egypt sa pamamagitan ng mga makatao at pangkaunlarang gawain. Magbasa pa at mag-donate dito. Tumutulong ang Shareteah Humanitarian Organization na makabalik sa pag-aaral ang [..]

post-image

Mahalagang Paalala – Bank Holidays ngayong Abril

Ipinaskil Marso 30, 2023 ng 7:21 AM GMT

Gusto naming ipaalam sa’yo na dahil sa Pasko ng Pagkabuhay ng mga Katoliko at Orthodox at iba pang pampublikong pista opisyal na gaganapin ngayong Abril, maaapektuhan ang oras ng pag-trade ng iba’t-ibang instrument mula Abril 5–27, 2023. Pakitingnan ang mga table sa ibaba para malaman kung alin sa mga instrument ang maaapektuhan at paano: [..]

post-image

Isa ang XM sa mga Sponsor sa Kuwait CFO Summit

Ipinaskil Marso 23, 2023 ng 10:25 AM GMT

Isang malaking karangalan ang pagiging Platinum Sponsor sa kauna-unahang Kuwait CFO Summit na isinagawa noong Pebrero 15, 2023 sa Kuwait City, at ito ang kauna-unahang klase ng ganitong summit sa bansa. Sa kabuuan, mahigit 100 na mga bangko at kumpanya sa pag-i-invest, korporasyon, at non-profit na organisasyon ang nagtipon-tipon para matuto, makipag-ugnayan, at makibalita sa pinakabagong trend sa industriya. Natutuwa kami na isa si Mr. Habib Akiki sa mga tagapagsalita, kung saan tinalakay niya ang hamon ng DeFi (Decentralized Finance) [..]

post-image

Mas Magandang Buhay para sa mga Nakatatanda

Ipinaskil Marso 23, 2023 ng 9:33 AM GMT

Nakipagsanib-pwersa na naman kami sa Singapore Red Cross para suportahan ang mga nakatatanda na namumuhay mag-isa sa Tampines. Sabay kaming namigay ng mga kinakailangang gamit pati ng mga pangmatamis para pasiyahin ang kanilang araw. Mahigit 88 libong matatanda sa Singapore ang namumuhay mag-isa dahil walang mag-aalaga sa kanila. Humaharap sila sa maraming pagsubok araw-araw tulad ng pagkakaroon ng masustansyang pagkain para mapanatili ang kanilang kalusugan. Para makatulong na ibsan ang kanilang paghihirap, nag-donate kami sa Red Cross ElderAid programme. Nagpamigay [..]

post-image

Mahalagang Paalala – Daylight Savings 2023

Ipinaskil Marso 10, 2023 ng 12:31 PM GMT

Gusto naming ipaalam sa’yo na dahil sa pana-panahong pagbabago sa Daylight Saving Time, maaapektuhan ang oras ng pag-trade ng iba’t-ibang instrument mula Marso 12 hanggang Abril 3. Ipagpapatuloy pagkatapos nito ang normal na oras ng pag-trade. Pakitingnan ang mga table sa ibaba para malaman kung alin sa mga instrument ang maaapektuhan at paano: [..]

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.