Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
post-image

Nag-donate ang XM sa Cyprus Autism Society

Ipinaskil Mayo 23, 2022 ng 12:01 PM GMT

Nagbigay ng kontribusyon ang XM bilang pakikiisa sa dumaraming bilang ng mga organisasyon ng kawanggawa na sumusuporta sa mahigit 75 milyong taong apektado ng Autism Spectrum Disorder (ASD). Para ipahayag ang pakikiisa nito, nag-donate ang XM sa Cyprus Autism Society, na may misyong makagawa ng pagkakaiba sa buhay ng mga batang may autism, dahil bumubuti ang kanilang kasanayan sa lipunan, komunikasyon, at pag-aaral kapag maaga itong naagapan. Bukod dito, noong Abril 2, bilang pagpupugay sa World Autism Awareness Day, na [..]

post-image

Nag-donate ang XM sa The Mirror Foundation

Ipinaskil Mayo 20, 2022 ng 12:28 PM GMT

Patuloy ang walang tigil na pagsisikap ng XM na makagawa ng pagbabago sa buhay ng mga kapus-palad. Ngayong patapos na ang pandemya, mas higit na nangangailangan ng suporta ang mga indibidwal at komunidad na nasa laylayan ng lipunan. Ngayong Marso, nag-abot ng ayuda ang mga kinatawan ng XM sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa NGO na The Mirror Foundation sa Thailand, kung saan nagbigay sila ng damit at mga pangunahing pangangailangan sa mga maralita. Napakalaki ang ambag ng mga pinakasimpleng kawanggawa. [..]

post-image

Bangkok Seminar sa mga Kailangang Malaman sa Ginto

Ipinaskil Mayo 16, 2022 ng 12:23 PM GMT

Sa Mayo 28, sisimulan ng XM sa Bangkok ang malawak na serye ng mga edukasyonal na seminar buwan-buwan na may layuning magbahagi ng praktikal na kaalaman sa mga lokal na trader tungkol sa mga pamamaraan sa pag-i-invest. Libre para sa lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM, ang seminar na pinamagatang Fundamental Analysis ng Ginto ay pangunahing idinisenyo para sa mga baguhan at intermediate na traders na gustong magkaroon ng malalim na pag-unawa sa mga pamamaraan sa fundamental [..]

post-image

Tumulong ang XM sa mga Komunidad sa Morocco

Ipinaskil Mayo 16, 2022 ng 9:22 AM GMT

Nag-donate ng pondo ang XM bilang pagsuporta sa High Atlas Foundation, isang non-profit na organisasyon sa Morocco na dedikado sa pagtulong sa mga nangangailangan. Nangunguna sa pag-ambag sa mga lokal at pandaigdigang inisyatiba para sa indibidwal at panlipunang kapakanan, patuloy pa rin ang corporate social responsibility ng XM, saanman sa mundo kami pwedeng makatulong. Isa sa mga pinakabagong donasyon ay ang pakikipagtulungan sa High Atlas Foundation (HAF) sa Morocco, na may layuning umaksyon para sa ikabubuti ng lokal na pamayanan. [..]

post-image

Mahalagang Paalala – Bank Holidays ngayong Mayo

Ipinaskil Abril 29, 2022 ng 12:32 PM GMT

Gusto naming ipaalam sa’yo na dahil sa magkakaibang pampublikong pista opisyal na gaganapin ngayong Mayo, maaapektuhan ang oras ng pag-trade ng iba’t-ibang instrument mula Mayo 2 hanggang Mayo 30, 2022. Pakitingnan ang mga table sa ibaba para malaman kung alin sa mga instrument ang maaapektuhan at paano: [..]

post-image

Mahalagang Update mula sa XM

Ipinaskil Abril 21, 2022 ng 9:50 AM GMT

Gusto naming ipaalam sa’yo na ang nalalapit na pangalawang bahagi ng Eleksyon sa Pagkapangulo sa France, na gaganapin sa Abril 24, 2022, ay maaaring magdulot ng mas matinding pagbabago-bago sa market, manipis na liquidity, hindi normal na spreads, at price gaps. Kailangang siguruhin ng mga kliyenteng nagbabalak magpanatili ng mga open position sa panahong ito na napondohan ang kanilang mga trading account para maiwasan ang anumang pagkaabala mula sa posibleng margin call at/o stop-out sa kanilang pag-trade. Pakitandaan: Para makita [..]

post-image

Mahalagang Paalala – Bank Holidays sa Abril

Ipinaskil Marso 31, 2022 ng 12:55 PM GMT

Gusto naming ipaalam sa’yo na dahil sa Pasko ng Pagkabuhay ng mga Katoliko at Orthodox at iba pang pampublikong pista opisyal na gaganapin ngayong Abril, maaapektuhan ang oras ng pag-trade ng iba’t-ibang instrument mula Abril 5–25, 2022. Pakitingnan ang mga table sa ibaba para malaman kung alin sa mga instrument ang maaapektuhan at paano: [..]

post-image

Tulong ng XM at MyCARE sa Binaha sa Malaysia

Ipinaskil Marso 22, 2022 ng 9:19 AM GMT

Nakipagtulungan kamakailan ang XM sa MyCARE dahil sa kanilang proyekto na tulungan ang mga nasalanta ng pagbaha sa Malaysia, kung saan naapektuhan ang malaking parte ng bansa noong Disyembre 2021. Ang MyCARE ay isang non-profit na organisasyon na kinikilala ng Economic and Social Council ng United Nations. Walang tigil ang kanilang pagsisikap na matulungan ang mga pamilyang lubhang naapektuhan nitong kalamidad. Nagresulta ang pagbaha sa pagkamatay ng mga tao, pagkasira ng ari-arian, pagkawasak ng mga pananim, pagkawala ng mga hayop, [..]

post-image

Itinanghal ng FOLLOWME ang XM na Pinakasikat na Broker 2021

Ipinaskil Marso 17, 2022 ng 9:31 AM GMT

Ipinagmamalaking ibalita ng XM ang pagkakapili sa amin ng FOLLOWME Trading Community bilang Pinakasikat na Broker noong 2021. Iginawad din sa amin ang parangal na ito sa unang anim na buwan ng 2021, na sumasalamin sa aming pangako na magbigay sa mga kliyente at partner ng pinakamahusay na karanasan sa pagti-trade. Ang FOLLOWME Trading Community ay isang social trading platform na naka-base sa Hong Kong at kumakatawan sa mga trader na mula sa higit 170 bansa. Isang metikulosong proseso ang [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Oranisasyon na Plan Korea

Ipinaskil Marso 16, 2022 ng 10:53 AM GMT

Nagbigay ang XM ng donasyon sa Plan Korea, isang organisasyon sa Korea na para sa kapakanan ng mga bata, bilang pagsuporta sa kanilang pagsisikap na itaguyod ang karapatan ng mga bata at pagkakapantay-pantay para sa mga batang babae sa buong bansa. Nagbibigay ang Plan Korea ng mga edukasyonal na serbisyo at namamagitan ito laban sa diskriminasyon sa kasarian o lahi. Nakikipagtulungan din ito sa iba pang mga organisasyon para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga bata sa hindi mauunlad [..]

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.