XM Tumulong sa mga Nasalanta ng Baha sa Pakistan
Ipinaskil Oktubre 21, 2022 ng 8:53 AM GMTNakipagsanib-pwersa ang XM sa JDC Foundation nitong Setyembre para tulungan ang milyon-milyong nabiktima ng pagbaha na itinuturing na pinakamalala sa kasaysayan ng Pakistan. Nagdulot ng matinding sakuna ang malalakas na ulan, kung saan nabaha ang mga nayon at 33 milyon ang naapektuhan sa buong bansa. Tinatayang mahigit 800,000 tahanan ang nawasak, at 1,200,000 kabahayan ang nasira. Milyong-milyong Pakistani ang napilitng lumikas sa baha at napwersang matulog sa labas hanggang sa makahanap ng pansamantalang matutuluyan sa mga “tent city” na tinatayo [..]