Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
post-image

Pagpapasaya sa mga Bata sa Panahon ng Kapaskuhan

Ipinaskil Enero 25, 2023 ng 11:20 AM GMT

Ipinagmamalaki namin ang patuloy na pagsuporta sa Reach for a Dream Foundation na tumutulong sa pagtupad ng mas marami pang bata sa South Africa na namumuhay nang may malalang sakit. Para sa mga batang ito, mahirap ang araw-araw na paglaban sa kanilang mga karamdaman. Kaya sa panahon ng kapaskuhan nitong 2022, tinupad namin ang pangarap ng 5 bata na binigyan namin sila ng sulyap sa normal na pagkabata. Aatiqah Benjamin Si Aatiqah ay isang matalinong batang babae na gustong nakikipaglaro [..]

post-image

Nagbigay-tulong ang XM sa mga Batang Rohingya

Ipinaskil Enero 13, 2023 ng 9:56 AM GMT

Sa XM, hindi kami lumalayo sa pangunahin naming misyon na makagawa ng pagbabago sa kalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo. Mas matindi pa ang paniniwalang ito pagdating sa mga kapus-palad. Kamakailan lang, nakipagtulungan kami sa Humanitarian Care Malaysia Berhad (MyCARE) para magbigay ng mga gamit pang-eskwela sa mga batang Rohingya na refugee sa 3 paaralan sa Selangor at Johor. Binisita ng aming mga kinatawan pati ng CEO na si Ms. Stavri Morti ang isa sa mga paaralan [..]

post-image

Pinasaya ng XM ang mga Bata Nitong Kapaskuhan

Ipinaskil Enero 10, 2023 ng 1:51 PM GMT

Nitong Disyembre, binisita namin ang mga bata sa Tygerberg Hospital sa Cape Town, South Africa, kasama ng mga kaibigan namin sa Reach for a Dream Foundation, para sa misyon na magbigay ng ngiti sa kanilang mga mukha. Nagtipon-tipon sa palaruan ng ospital ang mga batang may malulubhang karamdaman para makisaya sa sorpresang Christmas party. Tuwang-tuwa ang lahat sa kamangha-manghang magic tricks at mga biro na mula sa entertainer ng Reach for a Dream Foundation. Nagpatuloy ang handaan na may masayang [..]

post-image

XM Nagtayo ng Educational Center sa South Africa

Ipinaskil Enero 10, 2023 ng 10:44 AM GMT

Pinasinayaan ng XM ang kauna-unahan nitong Educational Center sa Johannesburg, South Africa, noong Nobyembre 5, 2022. Itong napakahalagang araw ay inumpisahan ng opisyal na ribbon cutting, na dinaluhan ng malalaking kliyente at partner na nagtipon-tipon para magkasamang gunitain itong napakalaking okasyon. Matatagpuan sa Sandton ang bago naming Educational Center. Ito ang magiging venue ng mga bagong lingguhang klase na magbibigay sa bawat kliyente ng XM ng oportunidad na matuto nang libre mula sa mga kilalang instruktor at makakuha ng certificate [..]

post-image

Bronze Sponsor ang XM sa Blockchain Land

Ipinaskil Enero 9, 2023 ng 8:46 AM GMT

Nitong Oktubre 5 hanggang 7, lumahok ang XM bilang Bronze Sponsor sa Blockchain Land Conference sa Nuevo Leon, Mexico. Isa itong pambihirang pagkakataon para makilala at makipag-ugnayan sa mga kliyente, dumalo sa mga workshop, at makinig sa presentasyon ng mga eksperto. Maliban dito, may nakuha din na Guinness World Record sa mismong event. Ang Blockchain Land ay isa sa mga pinakamalaking kaganapan sa industriya ng blockchain, kung saan 12,000+ ang pumunta at mahigit 650,000 ang nanood online. Nagtipon-tipon ang mga [..]

post-image

Ika-5 Handaan ng XM Para sa mga Ulila sa Uganda

Ipinaskil Enero 5, 2023 ng 12:12 PM GMT

Nitong Disyembre 2022, inorganisa ng XM ang ika-5 nitong salo-salo para sa mga ulila sa Uganda. Lumikom kami ng pera mula sa aming mga opisina sa Cyprus at Greece sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga gamit at pagkain na galing Uganda. Bahagi ito ng patuloy na suporta ng XM sa Saint Antonios of Monde Orphanage. Nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga empleyado ng XM na tumulong sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng pagbili ng masasarap na pagkain na niluto [..]

post-image

Mahalagang Paalala – Bank Holidays ngayong Enero

Ipinaskil Enero 3, 2023 ng 11:16 AM GMT

Gusto naming ipaalam sa’yo na dahil sa magkakaibang pampublikong pista opisyal na gaganapin ngayong Enero, maaapektuhan ang oras ng pag-trade ng iba’t-ibang instrument mula Enero 5 hanggang Enero 26, 2023. Pakitingnan ang mga table sa ibaba para malaman kung alin sa mga instrument ang maaapektuhan at paano: [..]

post-image

Iskedyul ng Market at Maligayang Kapaskuhan

Ipinaskil Disyembre 22, 2022 ng 12:00 PM GMT

Ipinararating namin sa lahat ng kliyente ang maligayang pagbati sa nalalapit na kapaskuhan. Sana’y magkaroon ka ng Manigong Bagong Taon na punong-puno ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at pagmamahal na umaapaw ng swerte at tagumpay. Maligayang 2023! Pakitingnan sa table sa ibaba ang oras ng pag-trade at customer service ngayong kapaskuhan (GMT+2). [..]

post-image

XM Itinanghal na Pinakamagaling na Broker ng CFD

Ipinaskil Disyembre 15, 2022 ng 9:53 AM GMT

Nitong Oktubre, nakatanggap ang XM ng dalawang prestihiyosong parangal sa Forex Expo Dubai 2022: ang Pinakamagaling na Broker ng CFD at Pinakamagandang Swap-free Account sa rehiyon ng MENA! Muli na namang kinilala ng mga eksperto sa industriya ang aming pagsisikap na makapagbigay ng pinakamahusay na karanasan sa pag-trade. Ito na ang ika-5 beses na idinaos ang Forex Expo Dubai, na itinuturing bilang isa sa pinakamalalaking kaganapan sa mundo ng forex. Sinuportahan ito ng XM bilang Titanium sponsor sa gitna ng [..]

post-image

XM Kaakibat ng Isang Shelter ng Aso sa Cyprus

Ipinaskil Disyembre 14, 2022 ng 12:20 PM GMT

Nitong Nobyembre, nagbigay kami ng donasyon sa Sirius Dog Sanctuary sa Cyprus para sa pambili ng pagkain ng mga tuta. Isa rin itong pagkakataon para sa mga boluntaryo na magpalipas ng araw sa shelter, makipaglaro sa mga aso, at tumulong sa pagpapakain at pagpapalakad sa kanila. Ang Sirius Dog Sanctuary ay tahanan ng mahigit 170 asong kalye. Pinapatakbo ito ng mga boluntaryo nang walang tulong mula sa gobyerno, at umaasa lamang sila sa donasyon ng mga tagasuporta. Napakamahal magpakain at [..]

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.