Buwanang Update ng Opisina ng Budapest– October

Ipinaskil Oktubre 26, 2014 ng 11:49 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang October ay isa nanamang aktibong buwan para sa opisina sa Hungary ng XM sa team.

Ang aming mga kasalukuyang pang-edukasyon na inaalok ay nagpatuloy nang normal na may mataas na partisipasyon sa parehong lingguhang seminar at pang-araw araw na training session tuwing weekday.

Dahil sa papapalit palit ng aming lingguhang seminar upang magkaroon ng iba’t ibang paksa, ang pagtugon ng mga lokal na traders ay naging matindi, at mayroon napaka-positibong feedback sa kabuuan.

Samantala, ang aming pang-araw araw na training session ay mas pinaigting pa noong ika-28 ng October na may bagong schedule at mga paksa. Ang oras ng pagsisimula ay inilipat sa 6pm base sa opinyon ng mga trader na mas makikinabang sa pang-gabing oras. Ang mga paksa na dadaanan sa bawat session ay ibabase na sa CFTe 1 (Chief Technical Analyst) exam curriculum, na para sa lahat ng gustong magkaroon ng opisyal na sertipikasyon. Ang 20 na mananalo sa aming promo sa edukasyon ay magkakaroon din ng pagkakataong manalo ng libreng biyahe sa London upang makapag-exam.

Sa ibang balita, ang Forexpo ng taong ito ay naganap sa Budapest noong ika-10 at 11 ng October at umakit ito ng mga trader mula sa rehiyon upang dumalo sa Budapest. Ang aming mga ekspertong residente na sila Szoboszlai Attila at Sándor Zsolt ay hindi lamang nagbantay ng opisyal na XM booth, ngunit nagbigay din ng ilang mga presentasyon sa event na nagtagal din ng 2 na araw. Sila ay nakipag-usap sa mga dumalo na pagkatapos ay bumisita upang sulitin ang pagkakataong makita sila nang personal.

Kami ay nasasabik nang makilala ang mga bagong trader sa November, at sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong walang kapantay sa Hungary.

IMG_7643

IMG_7647

IMG_7645

IMG_7598

IMG_7596

IMG_7595

IMG_7639

IMG_7638

IMG_7633

IMG_7623

IMG_7621

IMG_7617

IMG_7603

IMG_7602

IMG_7600