Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Noong ika-4 ng September, bumalik na naman ang XM sa kapital ng Thailand, sa Bangkok, para sa libreng seminar tungkol sa strategic trading.
Napakaraming bilang ng dumalo ang sumali sa seminar at workshop na ginanap sa InterContinental Bangkok Hotel, kung saan ang Tradepedia instruktor na si Marios Pashardes ay nagpakita ng serye ng mga teknik sa pag-trade na maaaring magamit sa swing trading.
Ang pang-umaga at panghapong sesyon sa seminar ay nagbigay ng maraming oras para hindi lamang maintindihan ng mga dumalo ang basics ng market analysis ngunit para makita din nila kung paano nagaganap ang mga pagbabago sa presyo at kung paano gagawin ang ilang mga istratehiya. Ang parehong mga baguhan at may karanasang mga trader na nasa seminar ay nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng bagong kaalaman sa tulong ng pag-gabay ni Marios Pashardes, na may mga makatotohanang halimbawa at praktikal na payo tungkol sa forex trading.
Ikinatutuwa naming makilala muli ang mga kasalukuyan at bagong kliyente sa Bangkok, at pinapasalamatan namin sila sa kanilang pagdalo sa event. Nakuhanan namin ng litrato ang seminar, na makikita sa ibaba.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.