Mas Magandang Buhay para sa mga Nakatatanda

Ipinaskil Marso 23, 2023 ng 9:33 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakipagsanib-pwersa na naman kami sa Singapore Red Cross para suportahan ang mga nakatatanda na namumuhay mag-isa sa Tampines. Sabay kaming namigay ng mga kinakailangang gamit pati ng mga pangmatamis para pasiyahin ang kanilang araw.

Mahigit 88 libong matatanda sa Singapore ang namumuhay mag-isa dahil walang mag-aalaga sa kanila. Humaharap sila sa maraming pagsubok araw-araw tulad ng pagkakaroon ng masustansyang pagkain para mapanatili ang kanilang kalusugan.

Para makatulong na ibsan ang kanilang paghihirap, nag-donate kami sa Red Cross ElderAid programme. Nagpamigay kami ng mga masusustansyang supplement at kagamitang medikal, kabilang ang first aid at mga gamit na pang-araw-araw, at dinagdagan pa ito ng masasarap na pagkain para tulungan silang maging malakas at masaya.

Layunin ng ElderAid programme na bawasan ang paghihikahos ng mga matatanda at labanan ang kalungkutan. Kinakaibigan ng mga boluntaryo ang mga matatanda para tulungan sila sa kanilang mga pangangailangan. Bukod dito, ang paglalaan ng oras ay nakakabawas sa mga isyung pangkaisipan at sakit na may kinalaman sa kalungkutan.

Hindi naman kailangang bumaba ang kalidad ng buhay ng mga matatanda. Ipinagmamalaki naming makipagtulungan sa mga organisasyon na nagdudulot ng pagbabago sa mga taong nangangailangan nito. Interesado ka bang suportahan ang programme? Pwede kang mag-donate o mag-sign up bilang boluntaryo sa website ng Singapore Red Cross.