Ayuda ng XM sa Pagpapaganda ng Buhay sa Egypt

Ipinaskil Pebrero 23, 2024 ng 9:05 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Enero 3, 2024, tumulong ang XM sa Haya Karima, isang organisasyon sa Cairo na may layuning pabutihin ang kalidad ng buhay sa tulong ng edukasyon. Malaking bagay ang ibinigay naming donasyon para bumuti ang sistema ng edukasyon at makapagsagawa ng mas marami pang klase para sa mga kapus-palad na bata, at masiguro na sapat ang bilang ng mga guro.

Tungkol sa Haya Karima

Ang Haya Karima (na nangangahulugang Disenteng Buhay) ay isang pambansang inisyatiba na inilunsad noong Oktubre 22, 2019. Layunin ng organisasyon na pabutihin ang buhay ng mga mamamayan ng Egypt upang mabigyan sila ng dignidad at mailusong ang karapatan nila sa isang disenteng buhay.

Binuo ang inisyatibang ito dahil sa pangangailangan na pagandahin at panatilihin ang mahusay na kalidad ng buhay sa Egypt. Edukasyon ang numero unong aspeto na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao, kaya naman malaki ang naitutulong ng sapat na oportunidad pagdating dito. Samahan kami na suportahan ang Haya Karima at tulungan silang bumuo ng mas maliwanag at mas mabuting hinaharap para sa mga mamamayan ng Egypt.