XM Itinaguyod ang Pagnenegosyo ng mga Kabataan

Ipinaskil Enero 26, 2024 ng 9:09 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang bahagi ng aming CSR, inorganisa kamakailan ng XM ang programang Ang Kinabukasan Ko, Ang Pangarap Kong Trabaho sa Thailand. Sa pakikipagtulungan sa Education for Development Foundation (EDF), tumutok ang programa sa pagtuturo sa mga kapus-palad na estudyante ng mahalagang kaalaman tungkol sa pagtatrabaho at pamumuhay.

Ang inisyatibang ito ay nagtataglay ng iba’t-ibang mahahalagang parte. Una, sinikap naming hanapin ang nararapat na eskwelahan para masigurado na masusulong ng proyekto ang pagiging malikhain at interes sa negosyo ng mga mag-aaral. Pagkatapos nito, nag-alok kami ng pinansyal na suporta sa napiling paaralan upang mapalawak ang kanilang kaalaman at magkaroon sila ng komprehensibong pagsasanay.

Bukod dito, noong Oktubre 30, 2023, nagkaroon din kami ng Araw ng mga Boluntaryo, kung saan nakisalamuha sa napakaraming tao ang mga estudyante sa itinayo nilang tiangge. Dahil sa naiibang oportunidad na ito, naipakilala ng mga estudyante ang kanilang produkto at naipamalas ang mga natutunan nila. Gayundin, tumulong ang staff namin mula sa Cyprus at Greece na ibenta ang mga produktong ito, kaya hindi maikakaila ang nabuong koneksyon sa lahat ng nakiisa sa proyektong ito.

Ang inisyatibang ito ay isang kolaborasyon kasama ng EDF, isang organisasyon na nakatutok na maibsan ang kahirapan, magpalaganap ng kapayapaan, at pagandahin ang lagay ng edukasyon. Ang pagsasanib-pwersa namin ay nagpapatibay sa iisa naming layunin na lumawak ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa gusto nilang trabaho sa hinaharap. Habang patuloy kaming nagsisikap na pagandahin ang lagay ng edukasyon at pababain ang antas ng kahirapan, patunay ang inisyatibang ito sa layunin namin na makabuo ng mas maliwanag na hinaharap para sa mga komunidad sa buong mundo.

Magbasa pa tungkol sa proyektong ito sa website ng EDF Thai.