Tumulong ang XM sa mga Batang Lansangan sa Iraq

Ipinaskil Nobyembre 1, 2023 ng 9:35 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Muli na namang nakipagtulungan ang XM sa Nobles Charitable Foundation at Shareteah Humanitarian Organization sa Iraq para suportahan ang mga batang lansangan at ulilang kabataan sa Baghdad at Dohuk sa pagpapatuloy ng kanilang edukasyon.

Ngayong taon, bukod sa pagbibigay ng donasyon para sa mga gamit pang-eskwela tulad ng bag, kuwaderno, papel, at uniporme, sinuportahan din namin ang pagpapatayo ng mga silid-aklatan. Karamihan sa mga batang tinutulungan ng mga organisasyong ito ay namumuhay nang walang suporta at pag-aaruga mula sa kanilang pamilya. Kung hindi dahil sa tulong na ito, mahihirapan silang matugunan ang mga bayarin sa eskwelahan at mapipilitan silang tumigil sa pag-aaral.

May mahigit 5 milyong ulilang bata at mahigit 1 milyong na-displace na kabataan sa Iraq, at maraming hindi makapag-aral dahil sa kakulangan ng pera. Kung walang edukasyon, hindi sila magkakaroon ng kaalaman para makabuo ng mas magandang hinaharap.

Sinusuportahan ng Nobles Charitable Foundation at ng Shareteah Humanitarian Organization ang mga batang lansangan at ulilang kabataan. Marami sa kanila ang naapektuhan ng giyera, kaya nakatutok ang mga organisasyon sa edukasyon, tulad ng pagbibigay ng mga gamit pang-eskwela at uniporme, pati ng pribadong mga leksyon.

Isa sa maraming layunin ng aming CSR ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon para sa lahat. Ipinagmamalaki ng XM ang pagsuporta nito sa mga organisasyon na nakatutok sa pagpapaaral ng mga batang naghihikahos, at marami pa kaming pinaplanong pakikipagtulungan sa hinaharap.

Kung gusto mong malaman ang kanilang ginagawa o kung gusto mong magbigay ng kontribusyon, bisitahin ang website ng Nobles Charitable Foundation dito, at ng Shareteah Humanitarian Organization dito.