Food Packs para sa 60 Pamilya nitong Ramandan

Ipinaskil Hunyo 2, 2023 ng 8:16 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Abril 22, 2023, nakipagtulungan ang XM sa BAZNAS Indonesia para magbigay ng “Maligayang Pagbati sa Ramadan” food packs sa 60 pamilyang nangangailangan. Naglalaman ang food packs ng mga pagkain tulad ng bigas, mantika, at asukal, na nakatulong para ibsan ang pinansyal na paghihirap ng mga taong naghihikahos sa buwan ng Ramadan.

Bilang opisyal na organisasyon ng gobyerno, mahalaga ang papel ng BAZNAS sa pagbibigay ng ayuda sa mga komunidad at mga mahihirap.

Sa XM, malakas ang paniniwala namin na mahalaga ang pakikipagtulungan at pagbibigay ng malasakit upang magkaroon ng positibong epekto sa mga komunidad sa buong mundo.

Ang proyektong ito ay tanda ng aming misyon na gumawa ng pagbabago sa buhay ng iba.

Lubos kaming nagpapasalamat sa BAZNAS Indonesia dahil sa kanilang pakikipagsanib-pwersa at di mapapantayang suporta.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa BAZNAS, o para magbigay ng donasyon, bisitahin ang website nila dito.