XM Tumulong sa mga Biktima ng Pagbaha sa Johor

Ipinaskil Mayo 19, 2023 ng 11:19 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Abril 8, 2023, nag-donate ang XM sa inisyatiba ng We Listen Malaysia na “Pasca Banjir Johor” upang magbigay ng ayuda sa mga nakatira sa Seri Medan, Batu Pahat, Johor na lubhang naapektuhan ng nakapamiminsalang pagbaha.

Sa ngayon, nakaabot na ang donasyon namin sa 65 biktima, na nakatanggap ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, itlog, mantika, harina, mga diaper, tsaa, at kape.

Ang We Listen Malaysia ay isang non-profit na may kaparehong layunin tulad ng XM na gawing mas magandang lugar ang ating mundo. Walang tigil ang kanilang pagsisikap na suportahan ang mga nabaha sa Johor sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tulong at kalinga. Ipinagmamalaki namin ang pakikipagsanib-pwersa sa organisasyong ito para maibsan ang paghihirap ng mga nangangailangan.

Ang pakikipagtulungang ito ay isang tanda ng aming pangako na makiisa sa mga inisyatiba na naglalayong palaganapin ang responsibilidad sa lipunan at gumawa ng positibong epekto sa mundo.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa We Listen Malaysia at mga programa nito, mag-click dito.