Pinasaya ng XM ang mga Bata Nitong Kapaskuhan

Ipinaskil Enero 10, 2023 ng 1:51 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Disyembre, binisita namin ang mga bata sa Tygerberg Hospital sa Cape Town, South Africa, kasama ng mga kaibigan namin sa Reach for a Dream Foundation, para sa misyon na magbigay ng ngiti sa kanilang mga mukha. Nagtipon-tipon sa palaruan ng ospital ang mga batang may malulubhang karamdaman para makisaya sa sorpresang Christmas party.

Tuwang-tuwa ang lahat sa kamangha-manghang magic tricks at mga biro na mula sa entertainer ng Reach for a Dream Foundation. Nagpatuloy ang handaan na may masayang palaro, at nagkaroon ang mga bata ng pagkakataong magbilad sa maaliwalas na panahon at makipaglaro sa kapwa pati sa mga boluntaryo ng foundation.

Pagkatapos nito, oras na para sa mga regalo! Nakatanggap ang bawat isa ng bag na punong-puno ng masasarap na pagkain, pati ng mga coloring book at marker, laruan, at iba pang bagay na magpapasaya sa kanilang araw. Nagbigay din kami ng laruang hayop para sa mga pinakabatang kalahok.

Ang ganitong klaseng karanasan ay mahalagang paalala sa mga bata na may nagmamahal sa kanila. Nakakatulong din ito para manatili silang matatag sa gitna ng paglaban sa kanilang karamdaman. Patuloy na nagbibigay ang XM ng buwanang donasyon sa Reach for a Dream Foundation para punan ang kanilang araw ng ngiti at ligaya, at hikayatin sila na wag kailanmang tumigil na mangarap nang malaki. Nagpapasalamat kami sa Reach for a Dream Foundation at iba pang mga partner dahil sa pagbibigay sa amin ng oportunidad na makatulong sa mga kapus-palad ngayong pasko.

Pwede kang tumulong sa pagtupad ng mga pangarap o mag-refer ng batang nangangailangan ng tulong sa website ng Reach for a Dream Foundation.