XM Umayuda sa Pag-recycle ng Plastik sa Cyprus

Ipinaskil Disyembre 13, 2022 ng 8:16 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Nobyembre, itinayo sa Germasogeia beach sa Limassol, Cyprus ang higanteng hugis-isda na iskultura na gawang metal, para sa layuning mag-recycle ng plastik. Ang inisyatibang ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng organisasyon na Ena Emeis at ng XM para hikayatin ang pag-recycle at labanan ang polusyon na dulot ng plastik.

Ang Germasogeia beach ay isang sikat na destinasyon para sa mga turista at lokal na mamamayan. Sa kasamaang-palad dumaranas ito ng problema sa basura, na dahilan kung bakit pumapangit ang natural na tanawin at kapaligirang pandagat. Ang bagong iskultura ay makakapaghikayat sa mga bisita na mag-recycle at protektahan ang dalampasigan at ang dagat mula sa epekto ng mga basurang plastik.

Itong “nagre-recycle na isda” ay kumukuha ng mga plastik na bote at ibang pang-isahang gamit na plastik, na karaniwang ipinapadala sa mga pasilidad na nagre-recycle. Dahil sa laki nito at agaw-pansin na disenyo, ang iskultura ay isang positibong paalala sa lahat na magsikap sa pagre-recycle. Isa rin itong simple at kapansin-pansing paraan para magpalaganap ng kamalayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng dami ng mga ginagamit nating pang-isahang gamit na bote, at kung paano nakakasama sa buhay-dagat ang plastik.

Ang aming partner na Ena Emeis ay isang lokal na non-profit na organisasyon. Binubuo ito ng mga pursigidong kabataan na lumilikom ng pondo at kumukuha ng mga sponsor para solusyunan ang mga sosyo-politikal, pangkapaligiran, at iba pang isyu sa Cyprus.

Dedikado ang XM sa pagprotekta sa kapaligiran at pagbibigay-tulong sa mga lokal na komunidad ng aming mga kliyente sa buong mundo. Nagpapasalamat kami sa Ena Emeis para sa pagkakataong magsanib-pwersa at panatilihing malinis ang tabing dagat. Mababasa mo ang tungkol sa organisasyon at mga inisyatiba nila sa kanilang Facebook.