Paghubog sa Kinabukasan ng Pananalapi sa Egypt

Ipinaskil Oktubre 18, 2022 ng 11:24 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Setyembre, nag-sponsor ang XM ng dalawang event sa Cairo, Egypt para suportahan ang pinakamagagaling na kaisipan pagdating sa negosyo at pananalapi.

Noong Setyembre 14, dumalo kami sa ikatlong taunang Cairo CFO Summit bilang strategic partner. Taon-taon, dinadaluhan ng pinakamalalaking pangalan sa mundo ng pananalapi itong kilalang event sa Egypt na may akreditasyon mula sa CPD Standards Office sa London.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga lider sa negosyo na makipag-ugnayan sa isa’t-isa, magbahagi ng mga makabagong ideya pati ng mga pinakamagagaling na kasanayan, at pag-usapan kung paano nakakaapekto sa Egypt at buong mundo ang pinakabagong pangyayari sa industriya ng pananalapi. Ang event ngayong taon ay sumunod sa tagumpay ng summit noong 2021 at 2020 na dinaluhan ng daan-daang lider sa pananalapi at negosyo pati ng mga eksperto sa industriya, na siyang pumukaw sa pansin ng media sa buong rehiyon.

Isa sa mga tagapagsalita si Sherif Samy, ang Chairman ng CIB, isang nangungunang bangko sa pribadong sektor sa Egypt, at ibinahagi niya ang kanyang pananaw sa kinabukasan ng pinansyal na teknolohiya. Si Dr. Amr Hassanein, propesor sa The American University in Cairo at Managing Director ng MERIS, na affiliate ng Moody’s sa Egypt, ay nagbigay naman ng kuro sa mga rating ng magkakaibang sektor sa Egypt. Si Dr. Rania Azmi, ang nagtatag ng Alexandrite Decisions na rehistrado sa NATO, ay nagbigay ng salaysay kung paano makakagawa ng madiskarteng desisyon ang mga lider sa negosyo at industriya, sa kabila ng pagiging kumplikado at patuloy na pagbabago sa mga pinansyal na market.

Hindi nagpahuli si Avramis Despotis, ang sariling Chief Technical Strategist ng XM, at tagapagtatag at CEO ng Tradepedia. Si Avramis ay ekspertong instruktor na may mahigit dalawang dekadang karanasan sa pananalapi at pag-trade, at nakapagturo na ng mahigit 40,000 pribado at institusyonal na trader. Ang kanyang paksa ay pinamagatang Pag-uugnay ng Agwat sa Pag-trade: Pagsasama ng Technical at Fundamental Analysis. Nagbigay siya ng praktikal na payo sa pagsasanib ng technical at fundamental analysis, na dati lamang niyang ibinabahagi sa mga malalaking kliyente tulad ng Reuters, HSBC, Barclays, Kuwait Financial Markets Association, National Commercial Bank, BNP Paribas, at Société Générale.

Sa workshop na ini-sponsor ng XM noong Setyembre 15, itinuro din ni Avramis Despotis sa mga estudyante ng AUC School of Business ang kanyang kaalaman sa pinansyal na market. Isiniwalat niya ang mga sikreto sa pag-trade at tinalakay ang pinakabagong pangyayari sa market para tulungang hubugin ang mga susunod na lider sa industriya ng pananalapi.

Ipinagmamalaki ng XM ang pagsuporta sa mga mahahalagang event tulad ng CFO Summit para ibahagi ang husay nito sa mga gumagawa ng madiskarteng desisyon sa mundo ng pananalapi sa Egypt at Gitnang Silangan. Gusto rin naming pasalamatan ang mga nag-organisa ng summit dahil sa paggawa ng napakatagumpay na event at pagbibigay ng pagkakataong makibahagi sa kolektibo sa rehiyon na nagtataguyod ng pagbabago sa negosyo at pananalapi.