Kinilala ang XM sa Magaling na Customer Support

Ipinaskil Oktubre 17, 2022 ng 8:47 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Kinilala ang XM sa Capital Finance International (CFI) Awards sa ikatlong beses ngayong taon, kung saan napanalunan nito ang hinahangad na titulo na Pinakamagaling na Customer Support.

Sa loob ng buong taon, sinusuri ng mga hurado ang nominasyon at boto ng mga mambabasa para matukoy at gantimpalaan ang husay sa industriya ng pag-trade. Ang desisyon na parangalan kami sa customer support ay batay sa pagsubaybay sa XM sa loob ng maraming taon, partikular na sa aming pagsisikap na turuan at alalayan ang aming mga kliyente. Maliban dito, tinitingnan din ang patuloy na positibong review na natatanggap namin pati na ang mataas na pagpapanatili ng mga kliyente.

Ito na ang ikatlo naming parangal mula sa CFI Awards ngayong taon, dahil napanalunan din namin ang mga parangal na Pinaka-maaasahan at Pinaka-transparent na Broker sa ikatlong sunod na taon.

Ang CFI.co ay isang online na publikasyon na nakabase sa London at tumututok sa balitang pangpinansyal at ekonomiya. Taon-taon, idinaraos ang CFI Awards para bigyang-pugay ang husay sa industriya at bigyang-inspirasyon ang iba na pabutihin ang kanilang serbisyo.

Isa itong napakagandang taon para sa XM. Ang aming pagsusumikap na suportahan ang mga kliyente ay patuloy na ginagantimpalaan sa iba’t-ibang malalaking parangal. Ngayong taon, kinilala kami sa The Financial Expo Egypt, COLWMA, at Online Money Awards. Bukod dito, itinanghal din kami kamakailan ng World Finance Magazine bilang Pinakamahusay na FX Broker sa Europa, Australasia, Latin America, at Gitnang Silangan!

Salamat sa CFI Awards sa paggunita sa aming pagsusumikap na magturo at magtaguyod sa isang komunidad na ipinagmamalaki naming maging bahagi.