Nag-donate ang XM sa mga Nasunugan sa Penteli

Ipinaskil Setyembre 26, 2022 ng 8:21 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagbigay kami kamakailan ng pambili ng kagamitang medikal at pagkain para sa mga biktima ng sunog na sumiklab sa bahagi ng Penteli, na malapit sa Athens sa Greece.

Ang donasyon sa mga nasunugan, pati sa mga lokal na komunidad at hayop, ay nakatulong upang makabangon sila nang mas mabilis at lampasan ang mga nakakasirang epekto ng sunog, habang inaasikaso namin ang kanilang mga pangangailan.

Naospital ang hindi bababa sa 34 na katao dahil sa sunog na tumama sa 6,800 ektarya ng lupain. Daan-daang bumbero ang sumaklolo sa loob ng dalawang araw upang makontrol ito. Mahigit 600 residente sa kalapit na Anthousa at Drafi ang kinailangang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Sa kabuuan, lubhang nawasak ng apoy ang 54 na bahay, 5 negosyo, 17 bodega, at 1 relihiyosong istraktura.

Ilang araw matapos ang sunog sa Penteli, nakaranas ang Greece ng apat pang pagliyab sa buong bansa dahil sa malakas na hangin at mainit na panahon, na nagpalakat ng napakalaking apoy sa iba pang lugar. Dahil dito, napilitan ang daan-daang iba pa na lumikas.

Ang aming donasyon sa mga biktima ng sunog sa Penteli ay bahagi ng napakalawak na inisyatiba ng XM para gawing mas magandang lugar ang mundo. Direkta naming sinusuportahan ang mga naghihikahos, pati ang mga organisasyon sa mundo na may layuning tulungan o pabutihin ang buhay ng mga kapus-palad at nangangailangan. Layon naming makapagbigay ng pantay na oportunidad sa mas marami pang tao hangga’t maaari.