Pagtulong ng XM sa mga Naghihikahos sa Egypt

Ipinaskil Setyembre 22, 2022 ng 7:51 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagbigay kami kamakailan ng pangalawang donasyon sa organisasyon na Haya Karima sa Cairo, Egypt, para suportahan ang kanilang pagsisikap na maibsan ang kahirapan ng taumbayan.

Nitong mga nakaraang taon, marami nang kinaharap na pagsubok sa ekonomiya ang Egypt, at hirap pa ring makabangon ang marami. Tumutuon ang Haya Karima sa pagtulong na makatayo sila sa sarili nilang paa at mamuhay nang marangal. Layunin ng organisasyon na tulungan ang mga nangangailangan at bigyan sila ng kabuhayan para maiangat ang kanilang mga pamilya.

Ipagpapatuloy namin ang pag-ambag sa layunin ng organisasyon na labanan ang kahirapan sa Egypt. Makakapagbigay ng patuloy na suporta ang aming donasyon sa mga nakatira sa kabukiran, barong-barong, at lungsod. Plano naming bumuo ng matagalang pakikipag-ugnayan sa Haya Karima at suportahan ang kanilang pagsisikap na tumulong sa mga komunidad sa Egypt sa darating na panahon.

Kung gusto mong tumulong sa pagsuporta sa mga naghihirap sa Egypt at magbasa pa tungkol sa inisyatibang ito, pumunta sa website ng Haya Karima.