Nag-sponsor ang XM ng Karera sa South Africa

Ipinaskil Setyembre 15, 2022 ng 7:54 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Kapwa-sponsor ang XM sa pinakamalaking karera ng kabayo sa Africa ngayong taon – ang Hollywoodbets Durban Julysa Greyville, sa Durban, South Africa nitong Hulyo 2022.

Mahigit 35,000 katao ang dumalo at masayang nakapanood ng 12 de-kalidad na karera.

Binabati namin ang lahat ng nanalo lalo na ang nagwagi sa karera, ang XM MR 86 Handicap na napanalunan ni Snow Palace at sinakyan ni Smanga Khumalo. Ipinresenta ang mga premyo sa mga may-ari na sina Dr. M Taljaardt at Messrs. R P Macnab at X Spies, at nanalong groomer na si Motseki Ranowa, pati na sa nagwaging hinete dito sa karera na ipinalabas sa telebisyon.

Isa pang highlight ng araw ay ang tema sa pananamit na ‘Show me the honey’ na naghikayat sa marami na magbihis para mapanalunan ang titulo bilang pinakamakabagong damit, na ipinresenta rin sa araw na iyon.

Gusto naming pasalamatan ang mga nag-organisa ng karera dahil sa kanilang pagsisikap na bumuo ng napakagandang pagdiriwang, at sa lahat ng pumunta na nakibahagi sa kapana-panabik na kapaligiran.