XM Tinupad ang Pangarap ng mga Batang may Sakit

Ipinaskil Setyembre 8, 2022 ng 9:24 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Kamakailan, nakipag-ugnayan kami sa Reach for a Dream Foundation sa South Africa para suportahan ang kanilang pagtulong sa mga batang lumalaban sa matitinding karamdaman tulad ng kanser at tumor sa utak.

Sabay naming naisip ang ideya na pumili ng dalawang bata buwan-buwan at tuparin ang kanilang mga hiling upang mapasaya ang kanilang araw.

Ngayong tag-init, nakilala namin ang dalawang magigiting na bata. Tinanong namin si Akhule, na lumalaban sa B-cell acute lymphoblastic leukaemia, at si Senamile, na mayroong osteosarcoma, kung ano ang nagpapangiti sa kanila.

Akhule Zondi, 4 na taong gulang

Si Akhule ay isang mahiyaing bata na may napakagandang ngiti. Gusto niyang ginugugol ang kanyang oras kasama ng kanyang mga magulang at kambal na batang babae na si Aphile. Palagi ring naglalaro si Akhule sa phone ng kanyang ina. Kaya naman, hindi kami nahirapang alamin kung ano ang magpapasaya sa kanyang araw.

Binigyan namin siya ng bubblegum tablet at lumaki ang kanyang mata noong una niya itong hinawakan. Magdamag siyang naglaro kahit na noong umalis kami para kumain ng pizza kasama ng kanyang pamilya. Pizza ang paborito niyang pagkain, at nakikita naming puno ng tuwa ang kanyang puso sa araw na iyon.

Senamile Nosihle Luthuli, 14 na taong gulang

Si Senamile ay isang madaldal na batang babae na mahilig magdisenyo ng damit, gumuhit, at kumuha ng litrato. Ginugugol niya ang kanyang oras sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at pagkuha ng mga litrato sa phone ng kanyang ina. Kaya naman, ang pagkakaroon ng cell phone ang isa sa matagal na niyang pinapangarap.

Noong nakipagkita kami sa kanya, binigyan namin siya ng Reach for a Dream teddy bear, kumot, kwaderno, at beanie. Lubhang nagpasalamat si Senamile at akala niya wala nang kasunod, pero sinorpresa namin siya ng bagong cell phone. Nagulat si Senamile at hindi siya nakapagsalita sa loob ng isang buong minuto. Pero hindi lang iyon ang huling sorpresa! Dinala namin siya sa labas kasama ng kanyang pamilya. Gusto niyang lumalabas para makalanghap ng sariwang hangin, dahil pagkatapos makalabas ng ospital, ginugugol na lang niya ang buong oras niya sa loob ng bahay.

Kung gusto mong suportahan ang mas maraming batang may karamdaman o may kakilala kang bata na maaaring makinabang sa inisyatiba ng Reach for a Dream Foundation, mababasa mo ang iba pang impormasyon sa kanilang website.