XM Nagbigay ng Gamit Pang-eskwela sa Vietnam

Ipinaskil Setyembre 5, 2022 ng 9:16 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakipagtulungan ang XM sa saigonchildren para magbigay ng 499 na set ng mga gamit pang-eskwela para sa mga kapus-palad na estudyante sa Binh Tan District, na matatagpuan sa labas ng Ho Chi Minh City sa Vietnam.

Naniniwala kami na dapat makakuha ang bawat bata ng de-kalidad na edukasyon, isang mahalagang aspeto para magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Gayunpaman, maraming sagabal dito. Milyon-milyong mahihirap na kabataan ang hindi man lang kayang bumili ng mga pangunahing gamit pang-eskwela.

Sa pagsisikap na tanggalin ang hadlang na ito para sa mga estudyante sa Vietnam, nakipagsanib-pwersa ang XM sa saigonchildren upang magbigay ng mga bag, panulat, ruler, at iba pang kagamitang panulat. Nagdagdag din kami ng mga karton ng gatas para sa kalusugan ng mga bata.

Tinutulungan ng saigonchildren ang mga kabataan sa buong Vietnam na makaahon sa paghihikahos na dulot ng kahirapan o kapansanan, upang makatanggap sila ng edukasyon at maabot ang kanilang potensyal. Kung gusto mo ring tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon, bisitahin ang kanilang website.