Tinutupad ng XM ang Pangarap ng mga Bata

Ipinaskil Agosto 18, 2022 ng 10:26 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nakikipagtulungan ang XM sa Reach for a Dream Foundation sa South Africa para tumulong na magbigay ng kasiyahan sa buhay ng mga batang dumaranas ng matinding karamdaman. Buwan-buwan, tinutupad namin ang pangarap ng dalawang matapang na bata.

Nitong Hunyo, nakipag-ugnayan kami sa mga batang ito na may kritikal na kondisyon upang tuparin ang kanilang mga kahilingan.

Anthony, 12 taong gulang

Si Anthony ay isang mahiyaing batang lalaki na mahilig magluto at magbisikleta, at gusto niyang maging isang surgeon sa hinaharap. Sa kanyang kaarawan, binisita namin siya at ang kanyang pamilya. Ipinaalam sa amin ng Foundation na dati pa niyang gustong magkaroon ng laptop, kaya pumili kami ng model na parehong para sa libangan at makakabuti sa kanyang pag-aaral. Tuwang-tuwa ang pamilya ni Anthony sa regalo at nakikiisa din kami sa kanyang kagalakan at pagkakataong pasiyahin siya.

Inosenteng Lalaki, 5 taong gulang

Ayaw magpakilala ng susunod na batang binisita namin kaya hiniling niya na tawagin na lang siyang Inosenteng Lalaki. Napakasigla niyang bata na gusto lamang manood ng mga cartoon. Pinangarap niyang magkaroon ng cake na may Boss Baby, isang karakter mula sa sikat na pelikula. Kaya binigyan siya ng XM ng cake at iba’t-ibang mga laruan. Noong tinanong siya kung ano ang kanyang paborito, ang sagot niya, “Lahat ‘yan!”

Pwede kang tumulong na tuparin ang ibang mga pangarap o mag-refer ng batang nangangailangan sa website ng Reach for a Dream Foundation.