Seminar sa Cebu Pamumunuan ng Kilalang Eksperto

Ipinaskil Hulyo 21, 2022 ng 8:35 AM GMT. Magbasa Pa Balita

’Wag itong palampasin! Sa Agosto 27, 2022, magdaraos ang XM ng libreng seminar sa Cebu na pinamagatang Paano Mag-trade ng Ginto, isang espesyal na event para sa lahat ng trader na gustong pabutihin ang kanilang pag-trade ng ginto. Matututunan ng mga dadalo ang lahat ng kailangan nilang malaman para makapagsimulang mag-trade ng ginto at basahin ang mga siklo ng ginto nang may kumpiyansa.

Sa seminar na ito, nakipagsanib-pwersa kami kay Jonathan Lou Reyes, isang kilalang eksperto na nagtatag ng Philippine Association of Forex Traders Inc. Matagal na niyang ibinabahagi ang kanyang kaalaman sa aming mga seminar, at lubhang nagugustuhan ng mga baguhan at batikang trader ang kanyang mga gabay na madaling sundan.

Bilang espesyal na alok, lahat ng pupunta sa seminar ay makakatanggap ng libreng Avramis Gold Indicator, isang makapangyarihang tool na makakatulong sa kanila na i-level up ang kanilang technical analysis. Idinisenyo ito para suriin ang paggalaw ng presyo ng ginto at tukuyin ang mga trend sa market, pati na ang pinakamagagandang oportunidad sa pag-trade.

Iniimbitahan namin ang lahat ng kliyente ng XM na samahan kami para mapalawak ang mga diskarte sa pag-trade ng ginto. Nasasabik na kaming salubungin ka sa Cebu ngayong Agosto 27!

Pakitandaan na limitado lamang ang mga upuan. Mag-click dito para magbasa pa tungkol sa seminar at magparehistro na.